CHAPTER 8

1548 Words
“OH, YOU’RE early.  I like that.”  Waki opened the door wider for Jazzy.  “Magbibihis lang ako sandali at aalis na tayo.” Nabitin ang paghakbang ni Jazzy papasok sana ng bahay nito nang makita na nakapantalong maong lang ito at walang damit pang-itaas.  Halatang kagagaling lang nito sa shower dahil basa pa ang buhok nito.  At hindi niya maiwasang mapatingin sa malapad nitong dibdib. “Like it?”  Waki was giving her that sexy smile of his again. Bumuwelta siya patalikod.  “Dito na lang kita sa labas hihintayin.” “Paano kung may stalker pala akong papatay sa akin sa loob?  You’re neglecting your work this early?  Siguradong magagalit nito si Bucho kapag nalaman niyang nagpapabaya ka.  Todo puri pa naman siya sa kakayahan mo bilang bodyguard.” “Kaya kong maging bodyguard mo kahit nandito ako sa labas.” “Paano nga kung nasa loob ng bahay ang papatay sa akin?” May katwiran ito.  Although malinaw pa sa sikat ng araw na gumagawa lang ito ng kuwento.  Pero dahil lumaki siyang responsable sa lahat bagay, kahit na gaano pa iyon ka-walang kuwenta, napilitan na rin siyang pumasok ng bahay.  The mixed scent of his bathsoap and aftershave cologne reached her nostrils as she passed by him.  At masyado siyang naging aware sa presensiya nito nang bahagyang mapadikit ang braso niya sa matigas nitong abdomen.  Napatingin pa siya rito.  Doon lang niya na-realize kung gaano na kalapit ang kanilang mukha sa isa’t isa.  Blood rushed through her veins and she bailed out.   Mabilis siyang lumayo rito, palabas.  But he had caught her arm. “Where do you think you’re doing, Miss?  Sinabi ko ng—“ “Oo na!”  Marahas niyang binawi ang kanyang braso, itinulak ito palayo sa daraanan niya naupo sa sofa sa sala.  “Bilisan mo na ang pagbibihis at baka mapulmunya ka.” “Ano naman ang palagay mo sa akin?  Sakitin?”  Hinarap siya nito.  He had put his hands on his taut hips.  And once again, that sexy smile retured to his even sexier lips.  “Concerned ka yata sa akin.” “Kliyente kita kaya natural lang na maging concerned ako sa iyo,” wika niya sa pormal na boses.  “Kung hindi ko gagawin iyon, hindi ko rin magagawa nang maayos ang trabaho kong pangalagaan ka.” “Para ka palang voice prompt, ano?  Kabisadong-kabisado mo na ang isasagot mo sa lahat ng tanong sa iyo.” Tumayo na lang uli siya.  “May sasakyan ka ba?  Ihahanda ko na iyon habang dumi-display ka pa rito.” “I have a driver.  At ikaw, dito ka lang.  Wala kang ibang gagawin kundi bantayan ako, malinawag?” “Okay.”  Bumalik na lang uli siya sa sofa.  Bumukas ang telebisyon.  Waki had turned on the television for her.   “Manood ka muna.  Para naman ma-relax ka ng kaunti.” She turned it off.  “Madi-distract lang ako.” “You’re too stiff.  Huhulaan ko, wala kang boyfriend, ano?” Masamang tingin lang ang ibinigay niya rito.  “Huwag mong pakialaman ang pribado kong buhay.” Nagkibit lang ito ng balikat at nagtungo na sa silid nito.  Pinakiramdaman niya kung nasa likuran pa niya ito.  Wala na.  See took a deep breath—Deep breath?  Kailan pa niya pinipigilan ang kanyang paghinga?  Kahit nakatutok na sa kanya ang b***l sa mga naging assignment niya, ni minsan ay hindi pa siya kinabahan o nagpigil ng hininga.  Tapos, sa lalaking ito lang… She pinched her temple.  “Ano ba naman iyang iniisip mo, Jazzy?  Magtino ka nga.  Kahit isang malaking kalokohan lang lahat ng ito, utos pa rin ito ni Kuya Bucho kaya seryosohin mo ang lahat.  Hindi puwedeng ma-disappoint si Kuya.” Tama.  Ang kuya niya ang nakipag-deal kay Waki para hindi siya ipakulong ng huli dahil sa mga ginawa niya rito.  Hindi nga naman biro ang natamo nitong pinsala sa ulo nang dahil sa kanya at malaki na naman ang utang na loob niya sa kanyang kuya.   “Ready.” Napakislot siya nang marinig ang boses ni Waki sa likuran niya at automatic siyang napatayo.  Damn it!   “O, okay ka lang?” “Oo.  Aalis na ba tayo?” “Well, kung okay ka nga lang, halika na.”  Nagtataka pa siya nang makipag-unahan pa ito sa kanya sa pagbubukas ng pinto.  “After you, Miss.” Itinulak niya ang pinto para mawala sa kamay nito ang seradura.  “After you, Sir.” Napakamot na lang ng ulo.  “Ang weird mo talagang babae.  Teka, babae ka nga ba talaga?” Imbes na pansinin pa ang patutsada nito ay nauna na lang siya sa sasakyan nito na nasa harap na ng gate ng bahay nito.  She opened the gate for him as well as the car’s door.   “Waki, iyan na ba ang bagong uso ngayon sa mga taga-showbiz?  Ang magkaroon ng babaeng taga-bukas ng pinto para sa iyo?”  Isang lalaking walang pang-itaas ang kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman sa bakuran nito sa bahay sa kabila ng kalsadang iyon.  “Kaya ayokong maging artista, eh.  Kahit na artistahin ang karakas ko.  Ayokong maakusahang walang galang sa mga kababaihan.  Tsk!  Isipin ko pa lang na isang mahinhin, maganda, seksi at mahinang babae ang magbubukas ng pinto para sa akin, kinikilabutan na ako.” “Oy, Buhawi, ano na naman iyang naririnig kong seksi at maganda, ha?”  Isang babae ang huminto sa tapat ng bakuran ni Buwi.  “May dala akong kutsilyo rito.” “Kelly, my dear girl, ikaw lang naman ang babaeng tinutukoy kong seksi at maganda.”  Binitiwan nito ang hawak na hose ng tubig at nilapitan ang babae.  hindi naging hadlang ang mababang bakod na iyon upang mahalikan nito sa pisngi ang babae.  “Binibigyang liwanag ko lang naman si Waki.  Hindi kasi maganda ang nakita ko.” The couple turned to them.  She knew the woman.  Ito si Kelly.  Ilang beses na rin niya itong nakausap noong namumuroblema pa ito sa nobyo na nito ngayon na si Buwi.   “O, Jazzy, akala ko hindi mo type ang mga artistang tulad ni Waki.” “Babes, alalay lang ni Waki iyang kapatid ni Bucho.” “Alalay?”  binalingan siya ni Kelly.  “Totoo ba iyon, Waki?  Ang sama mo naman.” “Hindi ko alalay si Jazzy,” iritado ang boses ni Waki sa kanyang tabi nang agawin nito sa kanya ang pagbubukas ng pinto ng sasakyan.  “Get in.” “Mauna ka na—“ “I said get in.”  Ewan niya kung paano nitong nagawa na mapasunod siya dahil namalayan na lang niyang nasa backseat na siya ng Pajero nito katabi ng binata.  “George, sa Crimzon Tower tayo sa Ortigas.” “Yes, Sir,” sagot ng driver nito. Hindi na siya pinansin pa ni Waki habang nasa biyahe dahil kung sino-sino na nag kinausap nito sa cellphone.  Photographers, reporters, manager, movie producers, directors.  Sa dami ay parang tenga niya ang uminit.  Kahit sa pagdating nila sa Crimzon Tower ay hindi pa rin natatapos ang pakikipag-usap nito sa cellphone.  He had put on his dark sunglasses as he walked out of the car.  Napansin niyang nakalimutan nito ang backpack kaya siya na ang nagdala niyon.  Pagbabang pagbaba niya ng sasakyan ay sinalubong siya ng malakas na hiyawan na iyon.  May mga fans pala ang binata na nag-aabang open parking lot ng gusaling iyon.  Umiral ang instinct niya bilang bodyguard kaya mabilis niyang nilapitan si Waki na kumakaway pa sa mga fans nito.  Iniharang niya ang kanyang katawan gaya ng tatlong security guards na naroon sa pagitan ng mga nagkakagulong mga fans at ni Waki.   “I love you, Waki!  Eeeehh!” “Waki!  Waki!  Pa-autograph!” “Pirmahan mo ang likod ko, Waki!” “Pirmahan mo ang b*a ko, Waki!” Nagkakabalyahan na ngunit hindi siya natinag.  Sanay siya sa mga ganitong kaguluhan dahil ilang mga kilalang tao na rin ang nabigyan niya noon ng ganitong seguridad.  Sanay na rin siya sa mga pagsiko, pagkalmot at pagtapak sa kanyang mga paa.  That’s why she was caught off-guard when a warm and gentle arm wrapped around her shoulders and maneuvered her out of the crowd, securing her at the same time.  It was Waki.  Hindi siya nito pinakawalan hanggang sa makapasok sila nang tuluyan sa gusali.   “Okay ka lang?” pormal nitong tanong. Inayos niya ang suot na itim na long-sleeve blouse at naka-ponytail na buhok.  “Hindi mo dapat ginawa iyon.  Trabaho ko ang pangalagaan ka bilang bodyguard mo.  Hayaan mo akong gawin ang trabaho ko ng maayos.” “Hmm.”  Tumango lang ito at ipinasak sa kabilang tenga ang isang earphone ng Ipod nito.  Pinagmasdan siya nitong mabuti.  “Mukhang okay ka naman.  Let’s get to the studio.” Nauna na itong naglakad patungo sa direksyon ng studio kung saan agad itong sinalubong ng mga tauhan doon.  Napakamot na lang siya ng ulo.  Sa lahat ng binantayan niya, ito na yata ang pinakamahirap ispelengin.  Hinawakan niya ang kanyang balikat kung saan naramdaman niya ang buong pag-iingat ni Waki sa kanya.  Nilingon niya ang direksyong tinahak ni Waki. “What’s up with him…?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD