CHAPTER 11

1368 Words
“WAKI, PA-PICTURE naman sa iyo!” “Ako rin, Waki!” “Pa-kiss naman, Waki!” “Puwede ka bang i-take home?” Ngiti lang ang isinagot ni Waki sa mga nagkakagulo nitong mga fans.  Subalit sa bawat pagkislap ng camera ay napapansin ni Jazzy na napapakislot ang binata.  Napatingin ito sa direksyon niya.  At may kung anong magnet na humila sa kanya palapit dito.  He smiled at her when she came to him.  Subalit hindi tulad ng mga unang pagkakataon na nginingitian siya nito, his smile didn’t reach his eyes “Jazzy…”  his gentle voice reached her heart though. Inaaatake na naman si Sir Waki ng migraine niya.  Iyon ang sabi ng driver nitong si George nang tanungin niya ito kanina bago sundan ang binata sa loob ng gusali.   “Let’s go.” Ngunti sinalubong siya ng galit ng mga fans nito. “Excuse me, Miss.  Hindi pa kami tapos magpa-picture kay Waki.” “Oo nga.  At tsaka puwede bang huwag kang sumingit sa picture?  Hindi naman kasi ikaw ang kinukuhaan namin.” “Si Waki lang.  Kaya please lang, puwedeng mamaya ka na lang sumingit?” “Pagod na si Waki,” aniya.  “Kailangan na niyang magpahinga.” “Huwag kang atrimitida, Miss.  Hindi lang ikaw ang fans dito.  Pare-pareho lang naman tayong tagahanga ni Waki kaya huwag kang epal.” “I’m not—“ “Its okay, Jazzy,” wika ni Waki.  Humiwalay na ito sa kanya.  “Pakihintay na lang ako.  Sandali na lang naman ito.” “O, narinig mo na si Papa Waki, Miss?  Umalis ka na nga.” Napamaang na lang siya nang itulak siya palayo ng babae.  Kung hindi lang siya nahawakan ni Waki sa braso ay baka tuluyan na siyang bumagsak sa kalapit nilang upuan. “Girls, don’t be so rude,” pakiusap nito sa mga babae.  “She’s not—“ Hindi na nito naituloy ang sasabihin ay muli na itong pinagkaguluhan ng mga fans nito.  Tuluyan na rin siya nitong nabitiwan.  Nakatingin na lang siya sa mga nangyayari.  Kasalanan nito kung bakit hindi ito makapagpahinga agad.  Masyado kasong mabait sa mga fans kahit may iniinda na. “Ang tanga talaga,” sambit niya.  Sabi na nga ba at meron din itong isinisikreto.  Hindi na niya makayang tiisin ang nakikita niyang paghihirap sa mukha nito kaya nilapitan na niya itong muli.  “Let’s go.” “Hoy, Miss—“ “Shut up!” bulyaw niya sa mga ito na agad natigilan.  “Hindi ba ninyo nakikitang may iniinda si Waki?  Inaatake siya ng migraine at mas lalong lumalala ang sakit niyon dahil sa walang tigil ninyong pagtili.  Makaramdam naman kayo.  And you call yourself fanatics?” “Jazzy…” sambit nito.   Nagpatuloy lang siya.  “Hayaan na ninyo siyang magpahinga.  Meron pa namang ibang pagkakataon na makakapagpa-picture kayo sa kanya.” Waki smiled ruefully to his ardent fans.  “I’m sorry.” Mukhang natauhan naman ang mga ito kaya wala ng umimik nang akayin niya palayo ang binata.   “Excuse me, Miss?”  Kulang na lang ay kagatin niya ang ulo ng bading na humarang sa kanila.  “Magtatanong lang sana ako.  Ikaw ba ang girlfriend ngayon ni Waki Antonio?” Imbes na sumagot ay kinuha lang niya ang magazine na kipkip nito at ipinakita rito ang malaking larawan nila ng binata ng dalhin niya sa ospital si Waki sa unang pagkakataon. “Hayan.  Hindi pa ba iyan ebidensya?  Ngayon siguro naman, puwede mo na kaming padaanin?” “Sure.  Ah, Waki, puwede ba kaming mag-set ng interview sa iyo?” “’Yung manager ko na lang ang kausapin mo.”  Umakbay na sa kanya si Waki at naglakad na sila patungo sa parking lot.  Kasunod nila ang nagkikislapang mga camera.   “This will be in the news tomorrow, I pressume?” tanong niya rito. “Nope,” sagot nito.  “Tonight.” Napaungol na lang siya.  Gusto niyang magreklamo pero wala namang ibang dapat sisihin kundi siya.  Siya ang nagpangalandakan sa madla na magkasintahan sila ni Waki.   “Thanks, Jazzy.” “Ha?” “Thanks for taking me away from my fans.  Hindi ko kasi alam kung paano ako magpapaalam sa kanila nang hindi sila naiinsulto.”   “Ewan ko ba naman sa iyo kung bakit nagtitiis ka sa sakit.  You have an excuse, you know.” “I just don’t want them to think badly of me.” “Ganyan ba talaga kahalaga sa iyo ang kasikatan mo?” “Oo.” “Maaga mong ikamamatay iyan.” “So you are concerned about me.” “No, I’m not—“  Ngunit hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil naramdaman na niya ang paghigpit ng pagkakahapit nito sa balikat niya palapit dito.   “Nevertheless…”  Mas lalo pa siyang natameme nang dumampi ang mga labi nito sa sintido niya.  “Thank you.” Her heart seemed to skipped a beat.  Ito ang ikalawang pagkakataon na nahalikan siya nito.  Subalit iba ang naging reaksyon niya ngayon.  Hindi siya makapalag ngayon.  Dahil sa inaalala niyang may iniinda ito nang mga sandaling iyon?  O hindi kaya…nagugustuhan na rin niya ang atensyong ibinibigay nito sa kanya? Malakas niyang ipinilig ang kanyang ulo at humiwalay dito.  “Kaya mo na sigurong maglakad patungong sasakyan.” “Yeah…I guess so…”   Nakapaglakad nga ito ngunit dahan-dahan lang.  Hindi na rin ito nagsalita pa.  She had heard of migraines before.  Ang ilan sa mga sintomas niyon ay ang pag-ayaw sa maingay at masyadong maliliwanag na lugar.  Dahil mas lalo lang daw lumalala ang sakit ng ulo ng mga ito.  Kaya hinayaan na lang niya si Waki.  Kunsabagay, ano nga naman ang sasabihin niya kung siya man ay hindi na alam kung ano ang nangyayari sa kanya? Goodness!  Isang araw pa lang halos na nagkakasama sila ng binata! Pero hindi rin siya nakatiis na makitang nahihirapan si Waki.  She took his arm and put it around her shoulders to support his weight.   “Jazzy…” “I’m still doing my job.” “Hmmm.”  He pulled her closer to him.  “I love your job too.” Gumapang ang kakaibang kilabot sa buong katawan niya.  Batid niyang gusto niyang lumayo pero naging matigas ang paninindigan ng puso niya.  Kailangan niyang manatili sa tabi nito hanggang masigurong maayos na ang kalagayan nito. “Tigilan mo iyang kamanyakan mo, Waki,” wika niya na pilit kinakalma ang sarili.  “Kung ayaw mong sa orthopedic ward ng ospital damputin ngayon.” “Pakiramdam mo lang minamanyak kita dahil ngayon ka lang nakalapit ng ganito sa isang lalaki.  Well, let me introduce to you a little something about sweetness and being romantic.” “You’re still going to end up in orthopedic if you continue with that.”  She heard him chuckled.  His hot breath was still so close to her ear. “You know what, Jazz—“ “Don’t call me Jazz.  And will you keep quiet now?” “I can’t.  This is the first time I ever wanted to be with a woman I don’t even like.  Weird, hindi ba?” Sa wakas ay nakarating na rin sila sa sasakyan nito.  She opened the door and pushed him inside the passenger seat. “George, pakihatid na si Waki sa bahay niya.” “Hindi ka sasama?” “I have other important things to do.” “Ihahatid ka na namin ni George sa pupuntahan mo.” “Hindi na kailangan.”  She closed the door and walked to the street to wait for a taxi.  Her heart was thumping like crazy now.  “Sira ulo talaga.  Bakit ba ganon magsalita ang isang iyon?  Nakakayamot!” Mabuti na lang at may dumaan agad na bakanteng taxi.  Pagsakay niya roon ay nakita pa niya sa side mirror ang pagsunod ng Pajero sa sinasakyan niya. “Lumayo ka sa akin, Waki,” sambit niya sa hangin.  “Por pabor.” Dahil hindi na niya alam kung ano ang kinatutunguhan ng pasaway niyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD