2. Malandi

1548 Words
Chapter Two "Kota ka na ngayong gabi, Lila. Ihatid ka na namin sa bahay mo?" tanong ni Gas na nakuha pang lumingon sa akin. May pera na ako tapos may tip pa. Pwede na ngang umuwi. "Sige. Hatid n'yo na ako," yaya ko sa kanila. Kota na talaga. Inilabas ko ang mumurang cellphone na gamit ko. Ito ang gamit ko para makipag-communicate sa tatlong kapatid ko. May message si Lorei roon na hindi ko pa nabasa kaya agad kong tinignan. "Ate, nandito ako sa bar sa south. Wala na akong pera. Huwag kang magalit. Isinama lang ako ng mga kaklase ko. Tapos hindi ko na sila makita. Naiwan ako rito sa table. Walang pambayad." Mariin akong napapikit dahil parang may pumitik sa sintido ko dahil sa labis na stress. "Bakit?" agad na tanong ni Fury sa akin. Nakatingin ito sa rearview mirror. Nakita nito ang reaction ng mukha ko. "Sa isang bar sa south n'yo na lang ako dalhin. Nandoon si Lorei. Gumawa na naman ng ikasasakit ng ulo ko," bakas sa tinig ko ang pagod. Nahihirapan na nga akong buhayin ang tatlo kong kapatid tapos may pasaway pang isa. "Lagi na lang pinasasakit ni Lorei ang ulo mo. Hindi niya nakikita ang pagod mo sa trabaho. Imbes gumaan ang lahat ay mas bumibigat pa dahil sa tigas ng ulo niya," komento ni Gas. "Hindi ko na alam kung paano ko patitinuin. Nagsusumikap ako pero hinihila ako pababa," malungkot na ani ko. Ako na ang tumayong magulang kay Jonson, Lorei, at Lala. Ako ang nagpapasok ng pera sa bahay namin para lang hindi kami magutom. Lumusok ako sa putikan para sa aming magkakapatid. Para makaahon kami sa hirap kahit pa malunod na ako sa trabahong pinasok ko. Pero sa aming apat ay si Lorei ang hindi nakaka-appreciate ng efforts ko. Naihatid nila ako sa bar na kinaroroonan ni Lorei. Dahil kailangan pang bumalik ni Fury at Gas sa club na pinagtratrabahuan namin ay iniwan na nila ako roon. Nakapagbihis naman ako ng simple lang. Bestidang luma na at naukay lang. Pinapasok pa rin naman ako. Agad kong nakita si Lorei na mag-isa sa mesa. Problema ang expression ng kanyang mukha. Nang napatingin siya sa akin ay bigla'y nabuhayan ng loob. "Ate! Tara rito," yaya nito sa akin. Wala akong nagawa kung 'di lumapit dito. "Ano na naman ba ito, Lorei?" seryosong tanong ko sa kapatid. "Ate, bayaran mo na muna. Sisingilin ko na lang bukas ang mga kaklase ko. Hindi na kasi Sila bumalik. Nakalimutan lang nila na iwan iyong pambayad." "Lorei, hindi nila nakalimutan. Sinadya nila. Ilang beses na ba itong nangyari." "16k lang ang lahat ng ito, ate. Iyang tirang pulutan ay pwede pang ipabalot. Ipakain natin kay Jonson at Lala." "Naririnig mo ba ang sarili mo, Lorei?" parang gusto kong sumabog sa galit sa mga oras na ito. Manhid ba talaga ang kapatid ko? Nagtatanga-tangahan? Hirap na hirap na nga ako tapos idadamay pa ako sa mga ganitong kalokohan niya. Hindi ba niya nakikita ang sakripisyo ko? Bakit kailangan niya akong ilagay sa ganito pang sitwasyon? "Te, gagawa ka pa ba naman ng eksena rito? Bayaran mo na. Dali na, 'te. Ibabalik ko bukas. Sisingilin ko ang mga kaklase ko. Promise. Dito ka na gumastos kaysa sa presinto pa." "Ano?" ani ko. Para kasing nabingi ako. "Ipapapulis daw ako ng owner kapag hindi ako magbayad." "Tangina!" mas lalong sumakit ang ulo ko sa labis na inis. "Akin na ang pera," naglahad pa ito ng palad. "Sa bahay na tayo mag-usap, te. Isang bukaka mo lang naman iyang pera mo. Bukas ay bawi ulit. Saka ibabalik ko rin naman," gigil na gigil ako pero hindi ko pwedeng ibuhos dito ang gigil ko lalo't maraming tao. Kinuha ko ang perang kinita ko ngayong gabi at iniabot dito. Agad naman nitong tinawag ang waiter para sa bill. "Oh, bayad na ako! Mga tangina ninyo. Akala n'yo wala kaming pera ha," saka nito kinuha ang bag nito. Nanginginig ang labi ko habang nakatitig sa kapatid ko. Parang gusto kong umiyak. Parang gusto kong hilain ang buhok nito at ibuhos dito ang lahat ng frustration ko. "D'yan ka lang, 'te. Nagpaalam lang ako sa mga ka-schoolmate ko sa VIP room. I think hindi na nakapagpaalam ang mga kaibigan ko sa kanila eh," saka ito tumakbo patungo sa hagdan. "Ma'am, ibalot pa ba ang mga ito?" tanong ng waiter sa akin. Napakagatlabi ako. Kaunting-kaunti na lang ay huhulagpos na ang bigat sa dibdib ko. "Hindi na po," sagot ko. Hindi ko nanaising kainin iyon ng kapatid kong si Jonson at Lala. Hindi dapat tira-tira ang pagkain nila. Nagtratrabaho ako para sa kanila. Gusto kong maibigay iyong kailangan nila. Limang minuto na sa taas si Lorei. Naiinip na ako. Imbes maagang nakakapagpahinga dahil maaga na nakaalis sa trabaho, ito pinaghihintay niya. Umakyat na ako sa second floor. Pasimpleng binuksan ang mga VIP. Nakita ko naman agad pero si Lorei ay nakaupo at nakiki-party. Nang nakita ako nito ay sumenyas ito na maghintay ako. Ayaw kong mapahiya ito roon kaya nagpasya akong umalis na. Kaya naman siguro niyang umuwing mag-isa. Kasi kung mananatili ako roon ay makakalbo ko na talaga siya. Pagbaba ko ay may lalaking humarang sa akin. Mukhang lasing na't iba kung makatitig. "Tara sa CR?" alok nito. Sanay na ako sa gano'ng paanyaya. Gabi-gabi ko nga iyong naririnig. Pinagmasdan ko ang matanda. Mas better version ito sa looks kaysa roon sa customer ko kanina. Pero ang tanong kung may pera ba ito. "Hindi ako libre, manong. Mahal 'to." Naglabas ng limang libo. Sa totoo lang ay pwede na iyon at mukhang saglit lang din naman. Luminga-linga muna ako bago tinanggap ang limang libo. "Tara sa CR." Tanginang buhay ito. Kung hindi lang kami mahirap ay wala talagang lalaki na makakatikim sa akin. Pumasok kami sa isang cubicle. Pagsara pa lang ng pinto ay itinulak na ako. Tumalikod ako para hindi mahalikan. Nang sapuhin nito ang p********e ko ay tahimik lang ako. Nang ipasok niya sa panty ko ay agad din niyang binaon ang daliri sa butas ko. Sa trabahong ito ay hindi lang butas ang satisfying sa customer. Nakakadagdag ang ungol. Kunwari'y sarap na sarap. Dinaliri ako nito hanggang sa namasa iyon. Hays. Namamasa na lang dahil iyon ang normal na reaction no'n. Pero iyong nasasarapan? Wish ko lang! Lumuhod ito at sinimulan akong kainin habang nakatuwad ako. Pati butas ng pwet ay hindi nakaligtas dito. Ilang saglit pa'y tumayo na ito at sinimulan na akong bayuhin. "Nakapasok na ba?" tanong ko. "Iyan! Masarap ba?" Kaloka! Akala ko'y daliri ang nakabaon. Malakas namang bumayo pero hindi ko talaga ramdam. Pero iningayan ko. Pinalabas kong sarap na sarap ako. Nang hugutin nito ay sa pisngi ng pwet ko itinutok ang ari niya at doon siya nilabasan. "Putangina! Saan ka makapwesto? Uulit pa ako. Masarap ka. Kunin mo itong contact ko. Kapag kailangan mo ako ay kontakin mo ako," pagkakuha ko no'n ay agad na rin itong umalis. "Dalawang t**i ngayong gabi hindi man lang nasarapan," pikong hinila ko ang tissue at nilinis ko ang sarili ko. Paglabas ko ay tuloy-tuloy ang daldal ko. Sakto namang may lumabas din at ngayon ay nakatingin sa akin. Pero wala akong pakialam kung narinig nila ang rant ko. Paglabas ko ng banyo ay lumakad na ako palabas pero may sumabay sa akin. Humawak sa braso ko at nagmadali siyang lumakad. Halos hila-hila niya ako. "Lorei?" takang ani ko sa kapatid. "Nakakahiya ka talaga! Kahit saan na lang iyang kalandian mo," inis na inis na ani ng kapatid ko. Lumiko na kami sa iskinita. Sa dulo no'n ay naroon ang sakayan ng tricycle. Medyo madilim sa part na ito. "Sandali!" may pwersang binawi ko ang kamay kong hawak nito. "Anong sabi mo?" sigaw ko. Sakto't umaambon. "Tangina! Nakakahiya ka, 'te! Hiyang-hiya ako sa mga schoolmate ko dahil sa kalandian mo," hindi ko na napigilan ang sarili ko. Malakas kong sinampal ang kapatid ko. Natahimik ito. Habang ako'y nanggigigil na nagsalita. "Nakakahiya? Ikinakahiya mo itong putang nagpapakain, nagpapaaral, at nagpapanatili sa 'yo na may bahay na matutuluyan? Hiyang-hiya ka sa putang ate mo? Tangina! Lorei, sa 'yo pa talaga nanggaling?" pikon na pikon na ani ko. "Nakita ka ng schoolmate ko. Tinanggap mo ang pera tapos pumasok kayo sa CR. Ang landi mo. Nakakadiri ka." Natutop ko ang bibig ko. Kitang-kita sa expression ng mukha nito na diring-diri nga siya. "Tangina, Lorei. Kung may choice lang ako... sa tingin mo ba'y papayag ako na kung sino-sinong lalaki ang gagamit sa akin? Putangina! Oo. Pokpok ako. Pero hindi ko ginusto ang trabahong ito. Pero pinasok ko para sa inyo. Sa inyo. Hindi para sa sarili ko. Sa inyo. Pero malandi ako? Nakakahiya ako? Sukang-suka ka sa ate mong handang gawin ang lahat para sa inyo?" pinunasan ko ang luha ko. Iyong ambon ay unti-unting lumakas. Pero hindi namin iyon alintana. Nag-uumapaw ang emosyon sa amin. "Napapakain mo nga kami, napapaaral mo kami, at may bahay nga tayo. Pero durog na durog na ang dignidad mo. Pumasok ka sa club na iyan pero hindi lang sarili mo ang kinaladkad mo sa putikan. Pati kami rin. Ikinakahiya kita. Sana hindi na lang kita naging ate." Tumakbo ito palayo. Ako? Natulala lang. Hindi makapaniwala sa mga narinig ko rito pagkatapos kong isakripisyo ang sarili ko... iyon lang ang maririnig ko? Tangina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD