RAN ADRIENNE ROSS __ "Oh, Yerra. Nakabalik ka na pala," said Yaya Lorna. Hawak niya ang basahan pamunas sa sink. Binaba ni Port ang mga pinamili naming pagkain sa grocery store. "Bumili po ako ng bagong karne. I thought of cooking something for lunch. Baka magising po si Tyler bago maghapon." Ngumiti ito sa akin. "Siya, tutulungan kitang maghanda." Hinubad ko lang ang suot kong coat at sinabit na muna iyon sa likod ng silya. Hinugasan ko ang mga kamay ko bago ko hinawakan ang mga pagkain. Walang umimik sa among dalawa at alam kong nakikiramdam lang ito. "Yerra... hindi talaga siya ganoon." Nagpatuloy ako sa dahan-dahang paghiwa ng sibuyas. "I know, Yaya... you don't have to defend him from me. I'm already doing that." "Nararamdaman ko wala naman talaga kayong releasing ni Tyxon