Hindi ko mawari ang pakiramdam na ito. Kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mga mata. Tila ba ang malungkot ang mga ito.
Wala pang nagkamaling hawakan ako ng ganito maliban na lamang doon sa huling kliyente ko na gusto akong idemanda. Pero itong isa... kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumayo ng katawan ko.
O sadyang ayaw ko?
Wala pa akong na-encounter na kliyente na kasing talas ng isip niya. Paano niya iyon nasabi? May telepathy ba siya?
"Sir, masyado pang maaga para malasing ka," malumanay kong saad at may bahid pa ng pang-aakit. "Alam kong nanaisin mo ring matikman ako ngayong gabi. Hindi masasayang ang bayad mo. Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing," dagdag ko pa. Isang nagtatagong ngisi ang lumabas sa aking labi dahil hindi ako magkakamaling makakatulog siya dahil sa pampatulog kong tableta.
Binitawan ako ng kliyente ko na para bang nagising siya sa kanyang ginagawa.
"I can't do this. This is so ridiculous," umiiling niyang wika. Dinig sa kanyang boses ang pagkadismaya niya sa kanyang sarili.
Teka, anong nangyayari sa kanya? Napakunot ang noo ko sa kinikilos niya.
Humarap siyang muli sa akin. This time ay mukha siyang distressed na prinsipe.
"Was it convincing?" tanong niya sa akin.
"Ha? Anong ibig mong sabihin, Sir? Nagdedeliryo ka ba?" naguguluhan kong tanong.
"Sh*t. I really suck at this," aniya pa na tila ba kausap ang sarili.
"Sir, teka nga. Ano bang nangyayari? Para kang nababaliw diyan, eh. Pati tuloy ako naguguluhan na."
Napasapo na lang ako sa noo ko. Kakaiba siya sa lahat ng kliyente ko. Baka sa mental ang hulog ng isang ito at hindi dito sa club. Sayang. Ang gwapo pa naman.
"Never mind. Samahan mo na lang akong uminom," pag-uulit niya. Nagsalin siyang muli ng mamahaling alak sa kanyang baso. Tumayo pa siya at kinuha iyong isang baso at inalukan akong uminom.
Tahimik lamang kaming dalawa at dinig ko pa ang pag-tick ng orasan sa pader. Nasasayangan ako sa outfit ko. Hindi yata siya tinatablan ng alindog ko. Napasapo na lang ako sa noo ko.
"Don't be disappointed. I'll give you a big tip when I come out of here," wika nga kliyente ko.
"Sir, nagsasayang ka lang ng pera dito. Kung may problema ka, pwede ka naman sa psychiatrist magpunta. Doon, may mararating ang bayad mo."
Nang tingnan ko ang kliyente ko, hindi ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin. He looked very amused.
"You're very different, you know that?"
"Sus. Normal lang ako, Sir. Ikaw ba?" balik ko sa kanya.
Humagalpak siya ng tawa. Iyong tawa na pati ikaw matatawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya na namimilipit na siguro sa sakit dahil sa sobrang pagtawa.
Kung hindi ko lang sana siya kliyente ay baka sumenyas na ako sa tainga ko at pinaikot ko ang daliri ko doon para malaman niyang nababaliw na siya.
"No one has ever made me laugh like that. God... I look so helpless," wika niya habang nagpupunas ng luha sa gilid ng mata niya.
"Alam mo, Sir. Hindi ko alam kung anong problema ang dinadala mo. Pero sa tingin ko talaga mali ka ng napuntahang lugar."
"How could you say that? I think I went to the right place and met somebody like you," nakangiti niyang saad sa akin.
Sa buong buhay ko, wala pang nakapagpa-blush ng pisngi ko.
"Sige, ganito ang gawin natin. Magpapakatotoo ako sayo. Pero magpakatotoo ka rin sa akin," saad ko.
Umayos ako ng upo at kinuha ang blanket para takpan ang mga hita ko. Umupo naman siya sa gilid ng kama.
"Okay, what go on," aniya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Sir, kailangan kong ma-survive ang gabing ito kasama ka," seryoso kong wika. Napakunot naman ang kanyang noo.
"Why? May papatay ba sayo?"
"Sir, hindi. OA naman masyado. Wala tayo sa pelikula. I mean, kailangan kong ma-survive ang gabing ito kasi kapag pumalpak ako, mawawalan ako ng trabaho. Kaya, please, magtulungan tayo tutal wala ka namang balak kung 'di ang uminom buong gabi. Please, Sir..." Ipinagkiskis ko pa ang mga palad ko ng mabilis sa harapan niya.
Nakatitig lamang siya sa akin. "Let me think about it."
"Sir, maawa ka. Mayaman ka na. Ako kailangan ko pang kumayod at pumasok sa ganitong trabaho para may pangtustos ako sa araw-araw. Hindi ko kakayanin kapag hindi ko nabigay ang mga pangangailangan ng nakababata kong kapatid. Saan na lang kami pupulutin? Ito lang ang trabaho na malakas akong kumita. Titigil din naman ako kapag naka-graduate na ng college ang kapatid ko pero malayo pa iyon. Kaya please lang, Sir..."
Nagbabadya ang mga luha ko dahil kailangan ko pang ikwento ang buhay ko para lang hindi ako mawalan ng trabaho bilang stripper. Masahol pa iyon sa paghuhubad at pakikipagtalik para sa akin. Nagmamakaawa ako sa kliyente ko na maging mabuti siya sa akin bilang stripper.
Biglang tumayo ang kliyente ko at hinubad ang kanyang itim na coat. Nanlaki ang mga mata ko. Naghuhuramentado and puso ko na halos lumabas na ito sa aking dibdib.
Napasandal ako ng madiin sa headboard ng kama at nakaramdam ng takot. "S-sir... hindi ganito ang ibig kong sabihin. Please, huwag mo akong halayin... nagmamakaawa ako..."
Tuluyan ng nagsipatakan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot na halayin ako. O sa takot na saktan niya ako ng pisikal.
Ngunit napatigil ang mundo ko sa sumunod na ginawa ng kliyente ko. Itinapal niya sa aking katawan ang kanyang coat.
"I know from the very beginning that you are not meant to be in this place. You're too innocent to be here. I have no urge to do anything bad to you. And as unbelievable as it sounds, pumunta lang ako rito para uminom— not to f*ck around with you." Lumipat siya sa kabilang parte ng kama at humiga doon. "Kakalimutan ko ang mga sinabi mo. You don't have to feel bad about your life. Ginagawa mo lang ang nararapat para sa sarili mo at sa kapatid mo. Who am I to judge you? You're doing greater than I am. And I respect you for that."
Natulala ako sa mga salitang lumabas mula sa bibig ng kliyente ko. Totoo ba ito? Naawa na ba si Lord sa akin kaya binigyan niya ako ng mabait at gwapong kliyente?
"But, I worry that after tonight, you'll have to deal with a new client. Tama ba?"
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Hmm..."
"Kaya malaki ang pasasalamat ko sayo, Sir. Parang nakapagpahinga na rin ako ngayong gabi. Hindi ko kailangang magkunwari sa kliyente ko. Teka, pwede ko bang malaman ang pangalan mo, Sir? Nang makapagpasalamat man lang ako ng maayos."
"I'm Zander," saad niya.
"Ako naman si Callie."