"Hindi pa ba ako sapat sayo ha?!" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Pakiramdam ni Nhia ay ibang tao ang kaharap niya at hindi ang dating kaibigan na si Dion. "Dion, si Toby ang kailangan ko, kailangan namin siya ng anak ko." "Hindi ba pwedeng ako nalang ang kailanganin mo? I can give you everything. Kaya kong bigyan ng pangalan ang anak mo. Klareng, sabihin mo lang, kahit ano ibibigay ko sayo." Umiling si Nhia at inilayo niya ang sarili niya kay Dion nung nagtangka itong hawakan siya. He clench his fist. Pigil na pigil siyang saktan ang babae but she's pushing his limits. "Ayoko Dion.. Ibi-ibibigay mo lahat ng gusto ko diba? Dion, gusto ko nang bumalik kay Toby. Ibalik mo na ako sa kanya. Please, gusto ko nang makasama ang asawa ko!" Umiiyak na sabi niya. Magang m