"Sandali naman!!" Humahangos si Nhia galing sa kusina. Grabe kase maka doorbell yung kung sino man nasa tapat ng pintuan eh. "Ano bang-" Automatikong tumaas ang kilay niya nung binuksan niya yung pinto. "Anong kailangan mo?" Malamig niyang tanong dito. "Si Toby. Nandito ba siya?" Tanong nang babae. "Ang lakas naman nang loob mong hanapin ang asawa ko sa pamamahay namin mismo." Sagot ni Nhia. Halos ipagdiinan niya na yung salitang "asawa ko" at "pamamahay namin" para lang maintindihan nung babaeng nasa harapan niya yung sinasabi niya. "Tinatanong kita ng maayos, sagutin mo ko ng maayos." Mataray na tugon nito. Bumuntong hininga si Nhia. "Yha Yhie, bahay namin to ng asawa kong si Toby. Malamang dito mo siya mahahanap. Kung may kailangan ka sa kanya, sabihin mo na ngayon para masabi ko