Chapter Eleven

1539 Words
“Zhaira, Andyan na si Jacob.” Sabi ni Mommy ng dumungaw mula sa pinto ng room ko. I let out a deep Sigh. Nakita iyon ni Momny kaya pumasok siya sa room ko at sinara ang pinto. “May problema ba Zhaira?” Marahang tanong ni Mommy. Umiling ako bilang tugon. “Mommy, Tama ba na pumayag ako na maging in relationship kami ni Jacob?” Saad ko. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Hindi sa ayaw ko kay Jacob. Hindi siya mahirap mahalin. Jacob is one of my trusted friend. My childhood bestfriend just like Calvin. Mahirap mag-compare because Calvin and Jacob is not the same. Parang ang hirap tanggapin ng sitwasyon ko na pumayag ako magkaroon ng relasyon kay Jacob while Calvin and I have a past relationship. Kung iisipin para akong mauubusan ng lalaki sa pagpayag ko na even Jacob na kababata ko ay nakipagrelasyon ako. Gusto ko sanang magpanggap na okay lang kasi kilala ko na si Jacob. Wala na akong hihilingin pa dahil alam ko na i'm safe kapag siya ang kasama ko. Alam na alam ko na ang totoong ugali at katauhan niya. Pero bakit ganun, Nahihirapan ako na hindi ko maintindihan. It's because everyone expecting more from us? Masyado ba ako na pressure kaya ako pumayag? basta ang pakiramdam ko ay hindi pa ako Ready. Yung feeling na may hinihintay ako na kahit kailan ay hindi na babalik pa sakin. Mom held my hand. “Zhaira, Kung hindi ka pa ready. Please be honest kay Jacob. Para pareho kayong hindi masaktan pero anak kung ako ang masusunod ay Handa akong tanggapin ang magiging disisyon mo. I support you kahit na anong mangyari.” “And one more thing, Kung handa ka ng tanggapin ng buong puso si Jacob. Why don't you gave him a chance to prove na mamahalin at aalagaan ka niya at hindi sasaktan. Knowing Jacob alam ko na hindi ka niya sasaktan.” Dagdag pa ni Mommy. Marahan akong tumango. “I understand Mommy. Tama ka, Deserve naman ni Jacob ang bigyan ng chance kasi never niya ako iniwan Unlike Calvin.” Sabi at muli ay nalungkot. “Tama na nga ito. Huwag na natin isipin pa ang mga taong hindi na dapat pa intindihin. Ang mahalaga anak, Masaya kami na pamilya mo kasi Alam namin na nasa tamang tao ka.” Pareho kaming napangiti ni Mommy. Sana nga ay nasa tamang tao na ako this time. Ayoko ng maiwan sa Ere at malungkot palagi kapag nag-iisa. Ayoko na din Umiyak ng umiyak at balikan ang mga panahon kung pano ako nasaktan. After ng pag-uusapan namin ni Mommy. Sabay kaming nagpunta kay Jacob na nag-aantay sakin. Ngumiti samin si Jacob. He held my hand and we both say goodbye to Mom. As usual, Bukas na ang cafe ng ihatid ako ni Jacob. Nasa Parking area kaming dalawa ng magpaalam na sakin si Jacob. Siguradong magiging busy na naman siya sa work niya as CEO ng company nila ni Tito Sean. “Call me if you need me okay?” He said. I nodded and give him a peck of kiss. A soft smile appered on his lips. We say goodbyes together. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng bigla akong matigilan. It was Calvin standing alone like he was waiting to someone. Lumingon si Calvin at nakita ako. Nag-iba ang expression niya parang natuwa siya ng makita ako o nagkakamali lang ako. Lalagpasan ko sana siya ng pigilan niya ako. Nagtatanong na tingin ang pinukol ko sa kaniya. “Do you need anything?” Seryoso kong tanong. “Kailangan kita...” Aniya. Natigilan ako ng sabihin niya iyon. “Why me? bakit hindi mo puntahan ang girlfriend mo.” Sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sakin.. “Zhaira, Please don't be like this. Magkaibigan pa din naman tayo right?” He sounds like he was desperate. “Ano ba ang kailangan mo sakin?” Pag-uulit ko. Tumingin ako sa mga mata ni Calvin. Sa dami ng nangyari, Halos makalimutan ko na ang feeling na Isa sa katangihan ni Calvin ang nagustuhan ko ang mga mata niya na nakikita ko kung paano niya ako minahal noon. Ngayun, Iba na. Iba na ang dahilan ng paraan ng pakikipagtitigan niya sakin. “Sa office tayo Mag-usap.” Sabi ko at sumunod naman siya sakin. Matagal na katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Kakalabas lang din ni Eufi ng bigyan niya kami ng Miryenda. Hindi naman kumikibo at nagsasalita ang kasama ko ngayun. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba nagkakaganito si Calvin. Ano ba ang gusto niyang mangyari. “I want to know what you really feel about Jacob.” Panimula niya. Bahagya akong nagulat pero sinubukan kong magpakatatag. Hinarap ko si Calvin. “Jacob is not you Calvin.” I know this is a little bit offensive to his case but I want him to know what I think and feel. “He's not you. Jacob Love me unconditionally and he really cared about me. Jacob stay loyal to me even though I didn't choose him first. Pano ikaw ang nagpatibok ng puso ko na isang malaki kong pagkakamali.” Dagdag ko pa. Natahimik si Calvin. “Tama lang na binigyan ko siya ng chance na dapat matagal ko ng ginawa.” Sabi ko na siyang nagpatayo kay Calvin. Matapang ko siyang hinarap ng lumapit siya sakin. “Do you still love me Zhaira?” Tunog desperado pero sinambahala ko lang at sumagot sa tanong niya. “No Calvin, Because you choose to betray me. Madali lang para sayo na palitan ako at ma out of love sakin. Kung nung una palang na sinabi mo sakin na napapagod ka sa set up natin maiintindihan ko naman pero yung magkagusto ko sa iba kahit inrelationship pa tayo. Ang hirap para sakin na tanggapin na parang wala na lang sayo lahat ng pinagdaanan natin.” Gusto kong umiyak sa harap niya pero nagpigil ako. Heto na naman ako at parang paunti-unting nauubos ang lakas basta kapag siya ang kaharap ko. “Bakit mo tinatanong kung mahal pa din kita? dahil ba ayaw mo na mapunta ako kay Jacob? Wala na tayo Remember at alam na alam mo na ikaw ang dahilan nun.” Dagdag ko pa. Hindi nakapagsalita si Calvin. “Hayaan mo naman ako maging masaya and this time sana matanggap mo na hindi palagi na ikaw na lang ang iisipin at mamahalin ko. Napapagod din ako Calvin at oras na para piliin ko naman ang sarili ko dahil Never ko binigyan ang sarili ko ng katahimikan na magmahal ng malaya at tahimik. Sana huwag mo naman ipagkait sakin ang maging masaya with Jacob. Dahil pareho nating alam na sa inyong dalawa na si Jacob lang ang makakapagbigay sakin ng kailangan ko Calvin.” And with that a Tear scape from my one eye. Siguro naman maiintindihan ni Calvin ang gusto kong mangyari. “Hindi ko ginagamit si Jacob just to divert my real feelings for you. Baka iniisip mo na panakip butas ko lang siya dahil lang matagal bago ako maka move on sayo. Dapat nga ay matagal ko na siya pinayagan na ligawan ako. Sadyang may hiya lang ako dahil childhood friend natin siya pareho at isa siya sa mahalagang tao sa buhay ko na never mabubura. Natatakot lang ako na baka matulad lang sa nangyari satin ang samin ni Jacob But now I realize na dapat hindi ako ang manghinayang at matakot dahil hindi ako ang problema. Sadyang naging mahina ka lang kaya tayo nasira.” Inaamin ko na masakit ang mga binitawan kong salita kay Calvin. Ito lang yung way ko para maibsan yung sakit na dala-dala ko at marealize din niya ang gusto kong mangyari. This is not about Calvin Anymore. My relationship with Jacob out na siya doon. Kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko ay wala ng karapatan si Calvin para iquestion iyon. Sinayang niya ang isang katulad ko na handa siyang hintayin at mahalin. Sinayang niya yung mga panahong pareho kaming masaya ng dahil lang sa wala ako sa tabi niya. Hindi niya alam yung sakit na pinaramdam niya sakin ng dahil lang sa nagmahal siya ng iba. He choose Patricia and it was okay. I fully understand and I accept it already pero bakit ganun parang lumalabas na pinagsisisihan niya na Pinakawalan niya ako at si Patricia ang karelasyon niya. Hindi na ako aasa pa na magkakabalikan kami ni Calvin. A so much pain will definitely Traumatize you. Muntik ko na kalimutan ang sarili ko na dapat hindi ko ginugugol ang oras at panahon ko sa taong nanakit sakin. Sila yung unang sumuko at nang iwan. Sino ba ako para hindi pagbigyan. This is all part of my life na dapat lang na pinaghandaan ko. “Zhaira, Kung sasabihin ko bang nagkamali ako at ikaw pa din ang mahal ko may magbabago ba?” Hindi na ako nagulat ng tanungin iyon ni Calvin. Natawa ako pero nagseryoso din. “Sana inisip mo yan Calvin bago ka nakipaghiwalay sakin. Tama ba na pinakawalan mo ako gayung panandaliang ligaya lang ang mararanasan mo kay Patricia.” Now I'm thinking if I'm still Fated To Love You Calvin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD