Chapter Six

1774 Words
A peaceful and quiet moments for me. I was in the kitchen doing my job as a Chef and Owner of SamNiel's Cafe. When suddenly Timmy got a bad news, which is Calvin is here in the Cafe. Hinayaan ko lang at hindi pinansin ang sinabi ni Timmy. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ako lalabas ng kitchen hanggang sa hindi siya umaalis dito sa Cafe. Isa sa pinaka ayoko sa lahat ay ayokong makita ang mga taong walang naidulot na maganda sa buhay ko. Sunod- sunod na orders ang nareceive ko. I was helping one of my head chef's ng bumalik si Eufi. She said that one of my customer have a problem to the dish we present. Hindi raw nagustuhan ng customer and ang dami raw reklamo which is not usually nangyayari sa Cafe. We make sure na ang orders and Dish na niluluto namin ay magugustuhan ng customers. Lumabas na ako ng kitchen para humarap sa Customer. Sinamahan ako ni Eufi hanggang sa makarating sa table at laking pagkakamali ko ng mapagtanto na walang ibang gustong makuha ang atention ko kundi si Calvin. The boyish smile that spreads across his face reminds me when we still kids. Everytime he get what he wants. Calvin already got my attention this time. Gusto kong burahin sa pagmumukha niya ang ngiting pinapakita niya sakin ngayun. Pinakalma ko ang Sarili. Eto lang pala ang way niya para makita at makausap ako. Gusto kong bumalik sa kitchen or sa office basta mailayo ko lang ang sarili sa kaniya. Wala na akong takas ngayun. Once and for all para matapos na ito. Magkikita at magkikita pa din kami ni Calvin. Para matapos na kailangan ko na siyang harapin. “May problema ba sa orders mo?” Agad kong tanong ng makalapit sa kaniya. “Have a sit..” Aniya at Tinuro ang Chair na nasa harapan nito. Hindi ako nakinig sa kaniya at taas noong humarap. “Kung may problema sa orders mo. Ako na ang bahala. We can r****d the money you spend in here or we get you another dish.” Sabi ko habang nag-pipigil sa inis. Bahagyang tumawa si Calvin na siyang pinagtaka ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? “Zhaira, Ganito ba kayo trumato ng Customers niyo? I don't need a r****d or change my order. I just want to make a complain about sa pagkain na to.” Aniya. Huminga akong malalim. “Pwede ba Calvin. Kung hindi mo nagustuhan ang luto namin dito. Pwes, Bukas ang pinto pwede ka ng umalis.” Galit kong sabi. Hindi ko na napigilan pa ang inis ko. Wala namang masama sa luto ko. Sadyang gusto lang magpapansin ng Calvin na ito. Tatalikod na sana ako sa kaniya ng pigilan niya ako. Agad kong tinanggal ang kamay nito sakin. Galit na humarap ako sa kaniya. “Since nandito ka para inisin ako. Pwede ba Calvin, Wala akong time sa pakulo mo. Busy ako at imbis na gumawa ka ng tama sa oras at araw na ito. Simulan mo na umalis dito at magpakalayo-layo sakin. Hindi ako natutuwa na makita ka.” Seryoso kong sabi. Tila nasaktan si Calvin sa mga nasabi ko. Natigilan siya at pinagmamasdan lang ako. Wala na akong pakialam pa sa kung anong nasa isip at feelings niya. Tutal siya naman ito naunang walang pakialam sakin. “Zhaira..” Tawag ni Calvin sakin. Hindi ako lumingon at bumalik na sa Kitchen. Kahit na ginawa kong busy ang sarili, Hindi ko pa din maialis sa isip ko si Calvin. Hindi na ako makaconcentrate kaya umalis ako sa Kitchen at nag-punta sa office. Doon ginugol ko ang sarili kakaisip sa sunod pang mangyayari samin ni Calvin. Siguro naman ay naka alis na siya sa Cafe. Hindi ako mapakali kaya Tumawag ako sa Telephone na Connected sa Coffee & Cakes Area. Si Eufi ang sumagot. “Yes, Chef?” Sabi nito. Tila nag-dadalawang isip pa ako kung tama ba tanungin ko siya. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga at nag-salita. “Nandyan pa ba si Calvin?” Tanong ko. “Yes, Chef. Wala atang balak umalis si Sir Calvin.” Napakagat labi ako ng sabihin iyon ni Eufi. Hindi na ako dapat magulat na hindi umalis si Calvin. Ano pa ba ang dahilan at nandito pa siya. Hindi ba siya hahanapin ng girlfriend niya. Ibinaba ko na ang telephone. Tawagan ko kaya si Amara. Baka sakaling tawagan niya ang kapatid niya at paalisin na dito sa Cafe. Hindi ako makatrabaho ng maayos kapag nandito ang lalaking iyon. How about Zheidhenne. Siya na lang kaya ang kausapin ko at humingi ng favor sa kaniya pero mali eh. Baka isipin ni Calvin na humihingi ako ng tulong sa kapatid ko which is talagang balak kong gawin. Hayst, Bahala na nga. After one-two hour. Halos mabaliw na ako kakaisip at bored dito sa Office. Hindi na ako naka tiis at tumayo na sa Swivel chair ko. Hindi dapat ako ang unang umiwas. Bakit may nagawa ba akong mali? Hindi naman ako ang nang iwan at nanakit. Buo ang loob na lumabas ako sa Office. Bumungad sakin si Calvin. Natigilan ako habang kaharap siya. Nanlaki ang mata ko ng maalalang ako na lang pala mag-isa sa Cafe. Bago pala ako pumasok sa Office. Hinabilin ko kay Eufi na huwag akong istorbohin. Kaya until nag-out na ang mga Staffs & Chefs ko wala akong idea na wala na sila sa Cafe. Lalagpasan ko sana si Calvin ng matumba ako sa biglaang pagkahilo. Agad akong sinalo ni Calvin. Habang nagtitigan kami ni Calvin hindi ko maiwasan na isipin na biglang tumigil ang mundo naming dalawa. Yung moment na ganito ay ang sarap icherish. Nang matauhan ako ay agad akong lumayo kay Calvin. Kung noon ay isang galaw o sweet gesture sakin ni Calvin.. Kinikilig na ako at mas lalo akong nainlove kay Calvin. But now, Iba na eh. Parang wala na yung spark. Oh sadya bang handa na akong mag-move on sa kaniya. “Sa-salamat..” Kanda-utal utal kong sabi. Nag-iwas ako ng tingin. “Zhaira, bigyan mo sana ako ng time para maka-usap ka. As a childhood Friend. Hindi pwedeng ganito na lang tayo.” Seryoso nitong sabi. Agad akong lumingon kay Calvin. Until now ay iniisip niya pa din ako as Childhood friend? Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko. Ang sakit isipin na dati In relationship kami now? Childhood friend. Kababata in Tagalog. Wow, parang wala na talaga sa kaniya mga pinagsamahan namin. Ano pa ba ang aasahan ko. Naka move on na siya. Ako lang naman itong Bini-big deal ang lahat. Dahil lang sa nag-mahal ako. I bitterly Smile. “What do you need? Ano ba ang gusto mong gawin ko Calvin. Tell me!” Hahawakan sana ni Calvin ang kamay ko ng pigilan ko siya. “Kung nandito ka para sabihin na bumalik tayo sa dati. Parang ang hirap naman ng gusto mong mangyari Calvin. Kasi kung tutuosin, Wala ng dahilan para mag-usap at maging close pa tayo. Wala na yung Closeness natin. Ikaw ang sumira ‘nun.” Hindi ko na napigilan pa ang ilabas ang nararamdaman ko. Kung pwede lang na umiyak sa harap niya ay gagawin ko pero Pinipigilan ko pa ang sarili. “Zhaira, I'm sorry if I hurt you. But this is the reality. Hindi habang buhay, Maiiwasan mo ako. Magkaibigan ang mga parents natin. Ayokong isipin ng mga Tito At tita's natin na dahil lang sa nag-break tayo hindi na tayo mag-kaibigan.” Seryoso nitong sabi. Ano pa ba ang dapat kong sabihin kay Calvin. Nahihirapan na ako sa Totoo lang. Kailangan ko ng mag-decide para sakin at para sa lahat ng matahimik na. Alam ko na nandito siya para kay Patricia. “Sige, Hindi na kita iiwasan pero Huwag mo akong sisihin if ever na bigla na lang uminit ang ulo ko sayo. Hindi mo maiaalis sakin ang magkaroon pa sayo ng inis o galit dahil ‘yun ka sakin Calvin. For the sake of our parents. Sige Calvin, I'll be good to you. Payag ako na if ever na kasama natin mga mahahalagang tao sa buhay natin maging okay Tayo. You need to set boundaries na rin dahil you have a girlfriend at ayokong maging dahilan o idamay sa mangyayari sa inyo ni Patricia.” I said. Agad na nag- agree si Calvin. Ano ba itong sinasabi ko. Alam ko naman sa sarili ko na pinagloloko ko lang ang sarili. alam ko na hindi ko maiwasan na masaktan kung makikita at magkakasama kaming tatlo sa iisang lugar. Ang swerte ni Patricia dahil Nandito ngayun si Calvin para pakiusapan ako na maging okay kami sa harap ng Parents namin. Para isipin nila na walang mali at mutual ang paghihiwalay namin ni Calvin. Lahat talaga gagawin kapag mahal mo. Wala na akong choice. Hanggang dito na lang talaga ang lahat. Atleast, Iniisip pa din niya ang mga mahahalagang tao sa buhay namin. Pareho naming alam ni Calvin na pati sila ay nasaktan para samin. “Kung wala ka ng sasabihin pwede bang umalis ka na.” Sabi ko at tumalikod sa kaniya. Pinipigilan ko ang sariling tumulo ang luha. “Thank you Zhaira and I'm really Sorry. Kung ako lang zhai kaya ko naman na iwasan ka pero si Patricia. Sigurado ako na until now, sa kaniya pa din ang sisi dahil sa nangyari satin. Ayokong masaktan siya.” Sabi ni Calvin at nag-paalam ng umalis. Nang hihina ang tuhod na naupo ako sa stool. Yung pinipigilan ko na luha ay walang tigil sa pagbuhos. Hindi ko maiwasan ang magpakawala ng malakas na tawa. Iyak- tawa ang ginawa ko. Gusto kong ilabas itong dala-dala ko. Para na akong baliw dito. Mag-isa na nga. Sinasaktan pa din hanggang ngayun. Wala ng kapaguran itong puso at isip ko. Hanggang kailan ba to? Gusto ko din maging masaya. Hindi ko alam kung anong oras at pano ako naka uwi sa bahay. Hindi ko na naabutan pa ang Parents at mga kapatid ko. Dumaretso ako sa Kuwarto ko at doon itinuloy ko ang pag-iyak ko. Awang-awa na ako sa sarili. “Kailan ka ba magiging masaya Zhaira. Hanggang kailan ka magiging tanga at Pano ka makaka move on kung ang sarili mo ay hindi mo kayang unahin mahalin.” Pangaral ko sa sarili. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Marahas kong pinunasan ang luha ko. Ganito na lang ba ako palagi. Umiiyak na lang dahil palaging nasasaktan. What if ako naman ang mag-paiyak. Mababawasan ba nito ang sakit na dinulot sa puso ko. I receive text from Jacob. It's Time for me to Move on. At magagawa ko iyon dahil kay Jacob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD