Chapter Nine

1890 Words
“Chef Zhai, Gusto ka makausap ni Sir Calvin.” sabi ni Timmy na kakapasok lang ng Office. Ano kaya ang gustong sabihin ni Calvin. May kinalaman ba kay Patricia. “Sabihin mo pumunta dito sa Office.” Sagot ko. Umalis na si Timmy. Inayos ko ang files na nasa table ko. Hindi rin nag-tagal ay dumating din si Calvin. “Ano ba ang gusto mong sabihin. Busy ako Calvin.” Agad kong sabi. “Tomorrow is Lei birthday.” Panimula niya. “Then so what?” Patay malisya kong tugon. “Alam mo na darating ang Family and Friends natin. I want you to treat me like a childhood friend just like before. Hindi naman siguro mahirap gawin iyon Zhaira.” Aniya. I let out a deep sigh. Oo nga naman birthday celebration at darating ang mga kaibigan ng Parents namin. “Yun lang ba ang gusto mong sabihin? Don't worry I'll behave and i'll do what you want.” Sagot ko. “Madali akong kausap Calvin. You don't need to remind me. Tyaka I'll help you gain their trust para sa Girlfriend mo.” Dagdag ko pa. Hindi na nagsalita pa si Calvin.. “If you don't mind. I want to be alone. Gagawin ko ang gusto mo just stay away from me for now on.” Matatag kong sabi. Calvin didn't say anything and leave. I let out a deep sigh. After this conversation Feel ko na parang may mali. Kahit na magpangap ako. Maraming nakakaalam sa totoo. Calvin wants to protect Patricia while me, Still endure the pain of the past. Patricia is so lucky to found a man who do everything just for her. Kaya ko naman humanap ng katulad ni Calvin pero iba pa din ang totoo at original. Yung Calvin na simula pagkabata ngayun matatanda na kami na talagang minahal ko ng lubos. Lumabas ako ng office. I need to inhale a fresh air. Pumunta ako sa Function Room. The one with a mini Garden. Alot of memories here in Cafe. Ang saya lang balikan ang lahat. Mga panahong dati ay pinag-aagawan ako ni Jacob at Calvin. Makuha lang ang atensyon ko. I thought nakuha ko na yung kaligayahan na gusto ko. Ngayun, Ang dami ng nag-bago. May tumulong luha sa mga mata ko. Pano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Naalala ko na Simula ng maging Legal Age si Angelie ay marami na kaming Misunderstanding ni Calvin but we make things right before the day ends. Magkaroon man kami ng pag-aaway agad namin naaayos. Kasi nga mahal namin ang isa't-isa. Malayo siya at naiintindihan ko iyon. Kaya siguro Napagod siya sakin. I'm Busy and I don't spare him even one minute of my time. Kaya siguro nainlove siya sa iba and it's Patricia. Nahihirapan din ako that time. Being busy in Work and Manage the Cafe. Having a serious relationship with Calvin. Hindi niya maintindihan yung pinaghuhugutan ko. Yes, It's my mistake. I know he's in the US while i'm here in Phil. Mahirap naman talaga ang LDR. But we really tried to make things work out. Lagi akong Pagod at siya laging nag-hihintay ng oras ko. Hindi magkatugma ang schedule namin. Nagkakaroon din kami ng tampuhan at Pag-aaway pero kahit ganun never sumagi sa isip ko na one day ipagpapalit ako ni Calvin. It's not Patricia fault. Minahal lang niya si Calvin.Yun lang ay sinaktan nila ako pareho. Hindi ko nga maintindihan nung una kung bakit nakipaghiwalay sakin si Calvin. Pagod na rin siguro siya at marami akong pagkukulang sa kaniya. Akala ko nga ay naiintindihan niya pero hindi pala. Tinanggap ko yung decision niya to Move on and break up with me. Nung una hindi ko matanggap. Hinihintay ko yung pagbabalik niya dito sa Pinas para maayos pa namin. Kung pwede lang pagtawanan sarili ko ginawa ko na. Excited pa ako noon ng malaman ko na bumalik si Calvin. I'm so Excited to the point na kahit sobrang lakas ng ulam ay nagpunta ako sa House nila to my surprise kasama na pala niya ang bago niya. It's so painful to see na nauwi sa wakas ang lahat. Awang-awa ako sa sarili ko. Nabigla pa nga si Tita Xena at Tito Calvin ng makita ako that Night. Akala ko talaga ay may maaayos pa. Wala din ako nagawa kundi ang umalis at naglakad sa malakas na ulan habang bumubuhos ang luha ko. My anxiety and Low self steem. Para akong mababaliw sa kakaisip ng anong mali sakin. Bakit ang dali para kay Calvin na sumuko. Kasi ako, never ko siyang sinukuan.. Minahal ko siya despite na malayo siya sakin. Kung nahihirapan siya di ba mas lalo ako na nag-hihintay sa kaniya. Akala ko madali lang eh. Long distance relationship. Walang kasiguraduhan kung worth it ba o useless lang. “Zhaira..” Sa sobrang lalim ng iniisip ko. Hindi napansin ang pagdating ni Lei. Ngumiti ako sa kaniya. Tumaas ang isang kilay nito. “Having a moment eh?” She mocking me. “May kailangan ka ba?” I asked. Naupo sa gilid si Lei at mataman akong pinagmamasdan.. “Do you know why I don't even like you even a bit?” Hindi ako sumagot sa tanong ni Lei. “Maldita ako Zhaira, Mabait ako sa mga kakilala natin but with Jacob i'm just a nobody to him and it's because of you..” Seryoso nitong sabi. Hindi ako makareact sa sinasabi ni Lei. I get her point. Katulad ko ay pareho kaming nasasaktan sa taong mahal namin. “I'm not you Zhaira. Kung pwede lang na ako na lang ang minahal ni Jacob gagawin ko ang lahat pero anong magagawa ko kung ikaw talaga ang mahal. I envy you Zhaira, You get what you want. You have everything that I don't have. Prangkahan na tayo Zhaira. Kung walang chance sayo si Jacob just please let me have him. Yun lang ang pakiusap ko sayo. You know I love him, si Jacob lang kailangan ko Zhaira. Just let me have him.” Pakiusap ni Lei. Naaawa din ako sa sitwasyon ni Lei. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Yung tipo na kulang na lang ay magmakaawa din ako na ako na lang ulit ang mahalin ni Calvin. Life is really complicated. “Angelie, Kaibigan ko lang si Jacob. Don't worry hindi ko siya aagawin sayo. Naiintindihan kita kaya huwag ka ng umiyak.” Sabi ko. Pinunasan ni Lei ang luha niya. Ngumiti siya sakin, this is the first time na nag-usap kami ng masinsinan. Mahigpit niya akong niyakap. Nabigla ako pero natutuwa ang puso ko dahil para sakin medyo nabawasan yung wall na nakaharang samin dalawa. After ng pag-uusap namin ni Lei. Naiwan ako mag-isa sa mini garden. I wonder if how many hours, days and year bago ako makalimot sa sakit. Darating pa ba yung time na magiging masaya ulit ako. Darating din ba yung araw na babalik ang lahat sa dati. Babalik kami sa dati ni Calvin as a kakilala. Anong pag-iwas pa ba ang gagawin ko para maibsan yung sakit. Kapag nagmahal ba ulit ako gaano kasigurado na hindi ako masasaktan ulit. Parang natatakot na ako pumasok sa relasyon.. Kung Katulad lang din ni Calvin ang matatagpuan ko. Suddenly a song played and it was december avenue song title Kung 'di rin lang ikaw. It's a nice song with a sad lyrics. Damang-dama ko ang bawat salita. Tugmang-tugma sakin. Hindi ko namamalayan na Ilang oras na ako sa Function Room. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Eufi ay baka hindi ko pa maisipan na magpakita sa kanila. Another tiring day, Naiwan ako mag-isa sa Cafe. Tinatapos ko pa ang pagliligpit sa Office ko. Nakalimutan ko na kailangan ko magbigay ng reports kay Dad about sa Cafe. Ang daming Kailangan na Ayusin at expenses na magagastos. Biglang nag-brown out. Sumigaw ako sa sobrang gulat. Agad kong kinapa ang phone sa Table. Nakahinga ako ng maluwag ng mahawakan ang phone ko. Ngayun pa talaga nag-ka brown out kung kailan mag-isa ako dito sa Cafe. Kinuha ko ang Bag at isasara na ang Cafe. I locked the door, muli akong napasigaw ng pagkasara ko ay bumangga ako sa taong Hindi ko aakalain na makakasama ko ngayun. Sinalo ako ni Calvin. I didn't expect him to be here. Mabuti na lang ay nabalik ako sa wisyo. Inayos ko ang sarili at hinarap siya. “What are you doing here?” I asked. Hinihintay ko siyang mag-salita ng biglang bumalik ang kuryente. Sa gulat ko ay yumakap ako sa kaniya and the next thing I knew. Calvin is kissing me. I tried to push him. Wala akong palag sa kaniya kahit anong gawin ko. Nakikita ko na lang ang sarili na tumutugon sa halik niya. Humiwalay din agad siya sakin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Dahan-dahang lumapit sakin si Calvin. He gently stroke my hair. Like he used to do when we're still together. I soft smile apperead to his lips. “Zhaira, I'm still into you Right?” Mahina nitong tanong. Buong loob ko siyang tinapunan ng tingin. “So what? Ano naman sayo ngayun Calvin.” Matapang kong sagot. He let out a sarcastic laugh. “Zhaira, Ano pa ba ang hindi mo maintindihan? Wala na tayo kaya dapat lang na kalimutan mo na ako.” Mapanakit nitong sabi. Tama si Calvin tapos na kami. Pinakalma ko ang sarili. Ayokong mag- breakdown sa harap niya. “Akala mo ba na ikaw lang ang lalaki sa Mundo Calvin. Kaya kitang palitan, Just like you did to me.” Buong tapang kong sabi. Hindi ako dapat magpatalo sa kaniya. “Sinong niloko mo Zhaira? Tingin mo ba makakalimutan mo ako. I'm your first and definitely the last.” Calvin said and Laugh at me. He's so full of him self. Ngayun ko lang narealize na marami pa din akong hindi alam kay Calvin. Hindi ko akalain na pagtatawanan lang ni Calvin ang feelings ko para sa kaniya. Malakas ko siyang sinampal. “Sige Calvin, Tumawa ka. Pagtawanan mo ako. Alam ko na isang malaking pagkakamali na ikaw ang minahal ko. Tama lang na nag-hiwalay tayo kung ganito lang na lagi mo akong sasaktan.” Nag-siunahang tumulo ang luha ko. Natigilan si Calvin. May sasabihin pa ba siya para masaktan ako. Walang araw na hindi ako umiiyak ng dahil sa kaniya. “Sabihin mo nga sakin Calvin. Talaga bang minahal mo ako? O just a price para lang ipagmalaki mo kay Jacob dahil ikaw ang minahal ko. Alam mo ngayun ko lang narealize na noong mga bata pa tayo nakikipagcompete ka na kay Jacob. So tell me Calvin. Are you only using me para lang may ipagmayabang ka.” May hinanakit kong sabi. Hindi nakapagsalita ang kaharap ko. Mahina akong tumawa. Hanggang sa lumakas iyon. “Nakakatawa Calvin. Sumabay ka sakin ito naman yung gusto mo di ba. Makita akong nagpapakatanga sayo. Masaya ka ba? masaya ka na may nasaktan ka. Are you pleased na may isang tao kang sinaktan at iniwan.” Dagdag ko pa. Malakas kong tinulak si Calvin. “Sana, Kung may maibabalik ko lang yung nakaraan. Nag-stay na lang sana ako bilang kaibigan mo. Hindi sana tayo ganito.” Maramdamin kong sabi. Tumakbo ako palayo sa kaniya. Tama, Kailangan ko ng tumakbo palayo sa kaniya ng hindi na madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD