CHAPTER 02: THE BABYSITTER

1606 Words
"AND WHY ARE YOU LATE, MR. CORDOVA?!" sabog ng teacher namin sa 2nd period sa umaga. "Tetsu and I had se—" Agad ko siyang tinulak palayo. "Ma'am, I'm sorry po. We just had an emergency that Sir Chase must really address as soon as possible—'yung tawag ng laman niya—that's why we're late," sabi ko naman agad. "Pwede kitang palampasin, Mr. Fidel; pero sana naman maisip niyo na kahit malaking shareholder ang parents ni Mr. Cordova sa school na 'to ay sana naman magbigay siya ng respeto sa mga tao dito," sagot ni Mrs. Almendras. "Opo. I'm really sorry, ma'am," sabi ko. "I want a letter of apology by tomorrow," sabi niya. "Opo. Bukas na bukas po," sagot ko naman. Umikot na ako expecting to see Chase behind me pero wala na siya. Nakaupo na siya sa table niya habang nakangiting nakatitig sa 'kin. Naningkit ang mga mata ko bigla. Pangatlong bagay na hindi mo mapapala kay Chase: PAKIALAM. Naglakad na ako papunta sa table ko. Pabagsak naman akong umupo. Sa kanan ko nakaupo si Chase kaya agad ko siyang tinalikuran. "Why are you late?" bungad ng katabi ko sa kaliwa na si Ian, close kong kaibigan. "Fucked-up," I answered in an undertone. Tumitig siya sa 'kin. "No wonder. Hahabulin ka ng plantsa sa kagusutan ng damit mo," sagot niya. "Don't make me feel worse," sagot ko naman. "Kaya pala nangangamoy," sabi bigla ng kaibigan ko pang si Lalaine na nakaupo sa unahan ko. "Nangangamoy ano?" tanong ko naman agad sabay kapa sa coat ko. "Nangangamoy giyera kayong dalawa ni Chase," sagot niya. "Can I have my water, Tetsu?" biglang sabi ng boses ni Chase. Agad akong ngumiti sabay lingon sa kanya. "Sandali lang po, sir. Kukunin ko lang po," sabi ko sabay baling sa bag ni Chase na ako pa nagdadala. Tinitigan ako ni Ian habang kumakapa ako sa bag ni Chase. "Chase, don't you have the initiative to carry your own bag? Para naman kung may kailangan ka ay ikaw na lang ang kumuha. Hindi 'yung inaabala mo ang iba," sabi niya kay Chase. "He's being paid to be my PA. It's his job and it's none of your business," sagot ni Chase. Sasagot pa sana si Ian kaso pinigilan ko na siya. "Hayaan mo na. 'Wag ka na makipagsagutan. Ikaw ang lugi," sabi ko. "Ikaw ang lugi," sabi sa 'kin ni Ian sabay baling sa harap ng room. "Nandito na po ang tubig niyo, sir" sabi ko sabay abot ng tumbler kay Chase. Pagkainom niya ay binalik na niya ang tumbler sa 'kin. Pabalibag ko 'yung binalik sa bag niya. Nang mag-ring na ang bell para sa break ay agad akong lumapit kay Lalaine. "Ano ba ang ginawa kanina sa first period?" tanong ko sa kanya. "Discussion tsaka may assignment tayo. May pinakopya rin. Gusto mo ipa-photocopy ang notes ko? You can borrow my notebook," sabi niya. "Yeah. Thanks a lot," sagot ko naman. "Inatake na naman ba si Chase ng syndrome niya?" tanong niya sa 'kin. "Oo nga," sagot ko. "Buti natitiis mo," sagot ni Lalaine. I sighed. "Kailangan ko ng pera. Kailangan kong tulungan si mama. Wala akong magagawa," sabi ko. "There are other jobs out there—" "Sakto 'to sa schedule natin. Kailangan ko lang na magtiis. Tsaka sanay naman ako. Hindi na nga masyado mahapdi," sagot ko naman. Lalaine tapped my shoulder. "Sige na lang. Sa weekend pwede ka? Gala naman tayo," sabi niya. "Titingnan ko," sagot ko naman. At that very moment ay biglang may pumasok sa room namin. "JC!" Si Melissa. Ang kasalukuyang ka-flirt ni Chase. Pagkalapit nito kay Chase ay agad itong kumanlong sa kanya "I missed you!" sabi nito sabay halik sa pisngi ni Chase. "Um, Sir Chase? Mawalang-galang lang po pero pwede po ba akong lumabas? I have to buy something to eat—" "Pati ba naman pagkain mo kailangan mong ipagpaalam diyan? Tara na," sabi ni Ian sabay kaladkad sa 'kin palabas ng room. "Hindi ikaw ang boss ni Tetsu," sabi ni Chase. "PA mo lang siya. He is not your personal property," sagot ni Ian. "Ian, it's okay. ‘Wag ka nang makipag-away—" Tumitig nang matalim si Ian kay Chase. Nagkatitigan sila nang ilang segundo. Lahat ng classmates namin ay nakatitig na rin sa kanilang dalawa. Lumihis ang titig ni Chase papunta sa 'kin. "You can go." "Thanks, sir," sabi ko at dali-dali akong naglakad palabas. "I can't believe na pati pagkain mo kailangan mong ipagpaalam diyan sa Chase na 'yan. Hindi ka niya alila!" sabi sa 'kin ni Ian. I sighed. "Parte nga 'to ng trabaho ko. Wala akong karapatang magreklamo. Ang tagal na ng issue na 'yan," sabi ko naman. Hindi naman talaga kasi magkaaway sina Ian at Chase. They are actually friends, kaso pagdating sa 'kin ay sadyang nagiging overprotective na si Ian. Madalas na hindi sila magkasundo ni Chase kapag ako na ang pinag-uusapan. Madalas, ako ang naiipit sa girian nilang dalawa. "Hindi mo ba kasi pwedeng iksian ang pagtatrabaho mo diyan? Lagpas na lagpas 'yan sa regular working hours," sabi ni Lalaine sa tabi ko. "Wala akong—" "—karapatan na magreklamo," pagtatapos nina Lalaine at Ian sa sinasabi ko. Aside naman kasi na convenient sa schedule ko ang pagiging PA ni Chase dahil sa magkaklase kami, kahit papaano ay mataas naman ang sweldo ko. May dagdag bayad pa kapag may sex. Kumbaga, additional income ang sex dahil si Chase mismo ang nagbabayad sa 'kin. 'Yung sweldo ko kasi as a PA ay parents ni Chase ang nagbibigay. Para akong call boy na iisa lang ang customer. Silang dalawa lang naman ang nakakaalam ng extra service na binibigay ko kay Chase. Though hindi nila 'yun gusto, alam kong alam nila na wala naman sila nang magagawa pa. "Pwede mo naman kasing isumbong sa parents ni Chase ang ginagawa niya sa 'yo," sabi ni Ian habang papaupo na kami sa isang mesa sa cafeteria. "Tapos mawawalan ako ng trabaho. Pinangako ko sa kanila na babaguhin ko si Chase. Umaasa sila sa 'kin na makontrol ko siya kahit na papaano," sabi ko naman. "And by the looks of it, you're doing a very bad job," sabi ni Lalaine sabay pagulong ng mga mata. Huminga ako nang malalim. "Kung nasaan ang pera, doon ako. Call me mukhang-pera, pero hindi kami mayaman at kailangan ko talaga ng pera. As long as legal ang trabaho ko, then—" Biglang sumabay sa 'kin sina Ian at Lalaine. "—kukunin ko 'yun dahil mas mabuting magkapera sa legal na paraan. As long as wala akong naaapakan na iba, wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin nila sa 'kin," panabay naming sabing tatlo. "The usual speech," sabi ni Ian sabay wagayway ng tinidor niya. "Yeah. Ang sakit na sa tenga," sabi ni Lalaine sabay subsob sa platito ng spaghetti niya. Kapag lunch time naman ay kailangan kong bantayan ang table ni Chase. Minsan ay hindi ko na kailangan na pakiusapan na umalis ang mga nakaupo doon. Malaman lang nila na si Chase ang uupo ay kanya-kanya na silang pulasan palayo. Minsan ay sadyang napapasubo kami—or should I say—ako, sa gulo. "I have to go to the CR. Mauna ka na," sabi sa 'kin ni Chase pagkatapos ng morning period namin. "Sige po, sir! Take your time," nakangiti kong sabi. Pagkatalikod ko ay agad kong binura ang ngiti ko bago ako pumasok sa canteen. "Oh, wala ba ang amo mo?" tawag bigla sa 'kin ng kung sino. "Pake mo?!" sagot ko naman. Nakarating na ako sa table ni Chase. May nakaupo nang tatlong lalaki doon. "Uh, excuse me, sirs. Patapos na po ba kayo? Kasi po—" "Hindi pa. Bakit?" sabi ng isa sa kanila sabay tayo. Bigla akong nanliit sa tangkad ng humarap sa 'kin. "Kasi po si. . . ano—" Bigla akong kinwelyuhan ng lalaki kasabay ng pagkawala sa lupa ng mga paa ko dahil naglambitin na ako sa ere. "Paaalisin mo ba kami rito?" tanong niyan "Malakas din ang loob mo—" "May problema ba rito?" biglang sabi ng boses ni Chase sa likod ko. Bigla akong nabitawan ng lalaki at bumagsak ako sa sahig. Napahawak na lang ako sa balakang ko. "Masakit pa nga anf balakang ko, ginatungan pa ng damuhong 'to," sabi ko. "Umupo ka na," biglang sabi ni Chase. Natigilan ako. Nawala na ang mga lalaking nakaupo sa paligid ng table. Tumayo na lang ako at iika-ikang naglakad papunta sa table. "Nasaan po ba si Melissa?" tanong ko pagka-upo ko. Kapag may ka-flirt 'yan si Chase ay paniguradong sina Ian at Lalaine ang kasama kong mag-lunch, pero kapag mag-isa lang siya ay ako naman ang nagiging kasama niya. "She's not in their room nang dumaan ako doon," sagot ni Chase na kumakain na ng baon niya. "I see," sagot ko naman. Bumaling na ako sa kinakain ko. Pareho kaming nagbabaon ni Chase ng pagkain. Guess what? Ako pa ang nagluluto ng baon niyan. Kung maaga siyang nagigising, ako pa ang nagluluto ng agahan niya. May mga kasambahay naman kasi sila kaso nag-insist si Chase na ako ang magluto ng pagkain niya. Sinasabay ko na rin sa niluluto ko ang baon ko kaya saved na parati ang lunch ko kahit na papaano. Umiinom na ako ng tubig nang bigla akong may naalala. "Ay, sir!" sigaw ko bigla. "Ano?!" gulat na sigaw pabalik ni Chase. "Sorry po. Tito Hanz called me that you have a dinner tonight with Tita Clara. May mga investors po na kasama—" "Tell them I can't attend. I have a date with Melissa tonight," sagot ni Chase. "Sir—" "No buts," sagot niya. I sighed. Heto na naman tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD