RAVEN BLAISE ROSS __ Inaantok pa ako nang bumaba ako ng hagdan. I didn't really want to go down yet, pero nakakarinig ako ng mga tinig at ingay sa baba. Isa pa, nagising akong hindi ko na katabi si Zacarias. He was the first person I always wanted to see in the morning. Nawala ang antok ko nang may lalaking sumalubong sa akin sa hagdan nang nakatakip ang mukha ng itim na tela at nakatutok ang baril sa akin. "Ikaw, baba!" I was so confused. Wala sa loob na tumingin ako sa ibaba. Marami silang nakaitim na lalaki roon na may hawak na mga baril. Nakatutok sila sa bawat tao sa mansion. Lalong kumabog ang isip ko, uncertain kung anong nangyayari. HIndi ko alam kung hino-holdup ba nila kami. "Baba!" Halos mapatalon ako sa lakas nang sigaw nito. "Ito na!" sigaw ko pabalik. Kinuha niya ang

