Chapter 2

1859 Words
RAVEN BLAISE ROSS __ Nagising ako sa pakiramdam na para bang may pumupukpok sa ulo ko. Pinilit kong dahan-dahang imulat ang mga mata ko. I was inside our room and I was alone there. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi, but I couldn't almost remember anything. I gave myself a little bit more time to stay on the bed before I got up. Sinuot ko ang tsinelas ko at nagsipilyo bago bumaba. Huminto ang mga kasambahay nang makita ako. Bumalik lang sila sa trahabo nang lagpasan ko. Nakita ko si Lottie sa kusina na nagbabalat ng mga gulay. "Gising na pala ang reyna. Magandang umaga. Pinagluto kita ng tilapia." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Tilapia? Who would fucking eat tilapia in the morning?" "Naghahanap ka kasi ng tilapia kagabi." "Bakit ako maghahanap ng tilapia?" Umismid ito. "Nalasheng ka na naman kasi. Ginawa mong estatwa ang mga kasambahay. Ginawa mong props habang nag-aala-action start ka at pinaputukan mo na naman ng airsoft si Sir Atlas." I tried to remember it. If I really did it, well, I should be happy. "Where is he?" "Umalis na pero magkikita raw kayo mamayang gabi." Umikot ang mga mata ko. Humila ako ng silya at naupo sa harap ng mesa. Naasiwa akong makita ang tilapia sa harapan ko. "Alisin mo nga 'to and give me a glass of beer." Lumapit ito sa akin para kuhanin iyon. Nilapit niya na lang ang ilan pang pagkain na nandoon. "Ang aga-aga, lalaklak ka na naman." "Lalabas ako. Sumama ka sa akin." Ginawa ko siyang taga-bitbit ng mga shopping bag habang pumipili ako ng kung ano-anong gamit sa mall. Huminto ako nang makakita ako ng ice cream stall. "Buy me one. I want cookies and cream." Iniwan ko siya roon at pumasok ako sa isa pang store. Umikot ako sa loob habang tumitingin ng mga dress. I didn't like anything there. Paglabas ko nakita ko na si Lottie na may bitbit na cone ng ice cream. Kinuha ko iyon sa kaniya at sinubo. "Ang hirap mo talagang intindihin. Kagabi lang parang gusto mong ipatapon ang ice cream para palitan ng tilapia, ngayon naman ay parang sabik ka sa ice cream." Nagpatuloy ito sa pagsunod sa akin kahit hirap na hirap na sa mga bitbit. Muli akong huminto sa harap ng isa pang store. Tumingin ako sa loob mula sa salamin. I didn't want to enter. I was reserving my energy. I wanted to lick my ice cream again pero napansin ko ang batang lalaki sa tabi ko na dinidilaan iyon. Pinanuod ko siya sa ilang sandali na tila ninanamnam pa iyon. Nilayo ko rin iyon sa kaniya. Sandali akong tumingin sa paligid para tingnan kung may kasama siya. Mukhang wala. Bumaba ako para magpantay kaming dalawa. Mukhang inosente pa ang bilog na bilog na mga mata nito. Nakatingin pa rin ito sa hawak kong ice cream na tila natatakam pa rin doon. "Where's your mommy?" Nagturo ito ng direksyon nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin pero wala akong nakita sa tinuro niya. I guess he was so distracted by the ice cream in my hand. "Masarap ba, hmm?" I asked. Sunod-sunod itong tumango habang dinidilaan ang ibabang labi niya. "You want more?" Dinala ko iyon malapit sa bibig niya. Muli niya iyong sinubo at dinilaan. Nilayo ko rin iyon when he started enjoying it. Umangat ang sulok ng labi ko. "Mamaya... hindi ka na makakapagsalita dahil katulad nitong ice cream... malulusaw na 'yang dila mo. At mamaya, hindi ka na mahahanap ng mommy mo because it's either nalusaw na 'tong buong katawan mo... o ginawa na kitang apa." Mabilis tumiklop ang ibabang labi nito at namuo ang luha sa mga mata. Umiiyak itong tumakbo palayo. Inabot ko kay Lottie ang icre cream. "Itapon mo." "Ito talaga... hindi mo na lang binigay sa bata. Ipapatapon mo rin naman pala." "Kids should learn good manners and right conduct." Nagpatuloy ako sa paghakbang. "Nagsalita ang walang good manners at puro bad conduct." Dumiretso kami sa parking and headed to other luxury stores. I bought jewelry, bags, shoes, clothes... I spent more than twenty million using Zacarias' credit card with no limit. Dumaan din ako sa hotel para sa magpa-spa. After that, sa salon naman ako dumiretso. Hindi ko na inalala pa ang oras. If Zacarias was already at home, he better wait. If he wasn't there yet, hindi na ako aasang uuwi pa siya. Sinungaling na mafia lord. Nasa biyahe na kami pauwi ng mansion nang makaamoy ako ng hindi kaaya-aya sa loob ng sasakyan. "Did you fart again, Lottie?" inis na tanong ko. "Hindi, ah. Baka bibig mo lang. Nabulok na kakainom mo ng alak." Tumingin ako sa driver na tila nanginginig na, hindi pa ako nakakapagtanong. "Did you fart?" Mabilis itong nagbukas ng bintana. "P-pasensya na po, Ms. Bel." "So... kung hindi umamoy, hindi ka mag-e-excuse?" "P-pasensya na po talaga..." "Anong pangalan mo?" "Andres ho..." "Bukas huwag ka nang pumasok." "B-bakit ho?" "Sa garden ka. Magbungkal ka ng lupa. Mukhang may talim 'yang baba mo. You can have a huge and meaningful role there." Sumunod sa akin si Lottie paakyat ng hagdan nang makarating kami sa mansion. "Ang sama talaga niyang ugali mo," natatawang anito. "Pati ba naman baba ng driver, pinersonal mo. "Sinong nagsabi na kumuha ka ng driver na mataas ang hairline?" "Si Sir Atlas ang pumili sa kaniya. Huling araw na nu'ng poging driver mo nu'ng isang linggo pa. Hindi mo napansin?" Naupo ako sa couch sa silid namin ni Atlas. "Hire a new one. Good looking, flat 6 and up, with good hygiene, pleasing personality, and six pack abs; four is negotiable. And please, ayoko ng pangit ang ngipin, bungi, o nakapustiso. Lalong ayoko ng may hacienda sa kuko kahit isang dosena pa ang pandesal niya." "Driver ba talaga kailangan mo? Bakit parang 'Wanted Call Boy' ang gusto mong ilagay ko sa title? Baka gusto mong idagdag ko na preferred kung magaling ding gumiling?" "Get out now. I'm going to prepare for my date." I took a bath. I was already dressing up nang marinig ko ang katok ni Lottie sa pinto. "Bel, nandito na si Sir Atlas." Hindi ako nagmadali. Tiningnan ko ang fit ng itim na dress sa likuran ko. I could see my exposed back clearly. It looked good. Naupo ako sa harap ng salamin sa walk-in closet and started putting some makeup on. Pinili ko ang kulang pulang lipstick. I pursed my lips making sure that the color was even. Hinayaan kong nakalugay ang kulay pulang buhok ko na natural ding may masinsing alon sa dulo. I got tired of turning it blonde. I learned to accept its natural color, tutal uso na rin naman ngayon ang iba't-ibang kulay ng buhok. A lot of people appreciated and loved its color. Some envied me for having a rare hair color that only 1% to 2% of 7 billion people have. Despite that, this hair would still always remind me of those people who shamed me for being different. I grew up hating my hair. Parati akong hinaharot ng mga bata noon na hindi ako tao dahil isa akong manok. Gunner and Iniko hated me to death and shove down my throat na ampon ako. Well, I wished I was. I never liked to be a Ross. I hated all of them. I was always tempted to burn all of them alive while they were in the middle of their perfect dreams. But unfortunately, I concluded that I wasn't adopted. Anak lang sa ibang lalaki. The reason why our father– or let me say, their father was so enraged about my existence. Kaunting galaw ko para siyang bulkan na sumasabog. He never treated me right. I never heard anything good from him about me. Whenever we had a mission, ako ang nakapain. All his children were behind me. Kung mamatay kami sa gutom, ako ang mauuna. It was ridiculous... thinking kung paano ko sila nasikmura. Kinuha ko ang mabigat na bote ng pabango sa mesa. Ilang beses ko iyong winisik bago ko isara. I was ready to go down. Hinatid ako ni Lottie sa garden kung nasaan si Zacarias. Nasa hallway pa lang, nakikita ko na ang pigura niya. Tumayo ito nang makita ako at pinaghila ako ng silya. Kinuha ko agad ang wine sa ibabaw ng mesa at inubos ang laman. "Buhay ka pa pala?" sarkastikong tanong ko. He was gone for a week pagkatapos niyang sabihing mawawala siya ng dalawang araw. He sighed. "That was unexpected." It was always hard for him to just apologize, and admit that he made a mistake. I really hated him. Kinuha nito ang napkin sa gilid ng pinggan niya at nilagay iyon sa kandungan niya. Nagawa nitong kainin ang steak sa pinggan niya nang hindi nagpapaliwanag kung bakit nawala siya ng isang linggo. Nakailang baso na ako ng wine pero hindi pa rin ito umiimik. "What? Aren't you going to say anything?" inis na tanong ko. Nag-angat ito ng tingin sa akin habang dahan-dahan pa ring ngumunguya. Nakita ko pa ang paggalaw ng adams apple niya sa paglunok. "You look so stunning." I was upset with him but those four-word statement from him just washed it away. He rarely used superlatives to describe things or people. Kung binobola niya lang ako, well, he was doing it excellently. Mula sa bulsa nito, naglabas siya ng isang pulang kahon. Binuksan niya iyon at nakita ko ang kumikinang na diamaond pendant ng kwintas sa loob. "I saw this. I thought of you." At alam na alam niya talaga kung paano siya babawi. Tumayo siya para lumapit sa likuran ko. Iyon ang pang-102 na kwintas na binigay niya sa akin. Nasa-102 na rin ang kasalanan niya. 102 na rin akong nagpapatawad. Maayos niya iyong kinabit, then he offered his hand. Hindi na ako nag-inarte pa at nagpahila sa kaniya patayo. Pinalupot ko agad ang mga braso ko sa batok niya at hinigit naman niya ang baywang ko palapit sa kaniya. Noon ko lang napansin ang red lights sa garden. He said he loved the color red since he met me. "I have some other gifts for you." "Naalala mo pala ako?" "I didn't. I didn't have to remember you. You're never gone in my head." "Ginagalingan mo talaga, hmm?" Inaayos ko ang kuhelyo niya. "Akala mo, makukuha mo ako sa ganiyan? Puwes, tama ka." Gumapang ang mga palad nito sa likuran ko. Hinawi niya pa ang ilang hibla ng buhok ko bago ako siilin ng halik. He started gently, but after getting to our room, hinagis niya na ako sa ibabaw ng kama. Pinagmasdan ko kung paano niya tinanggal ang pagkakabutones ng long sleeves niya habang nagsisimulang uminit ang buong katawang lupa ko. Wala pa ring nakakapantay sa kaniya... he was still the hottest... the sexiest for me kahit madalas ay gusto kong murahin ang buong pagkatao niya. Pumaibabaw ito sa akin and did me wildly. He made me call his name multiple times. He made me shiver in pleasure. He made me fall asleep... tired. And after all that, he made me wake up... all parts of me in pain. "Walang hiya ka talaga, Zacarias..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD