EVELYN is excited about seeing her baby. Pero kung may mas excited pa sa kaniya, si Maverick ‘yon. Kung pwede nga lang na hilain na ni Maverick ang oras para bumilis ito, ginawa na nito. She smiled on seeing her husband caressing and kissing her tummy. Five months na ang tiyan niya. Malaki na ito. At sa loob ng mga nakalipas na buwan, her husband always makes sure that she is happy, comfortable and safe. Masaya naman siya dahil hindi siya pinababayaan ng asawa niya. Lagi siya nitong inaalagaan at araw-araw nitong pinaparamdam na mahal na mahal siya nito. “Hon, hindi ka pa ba papasok? Male-late ka na.” Sabi ni Evelyn at tinignan ang oras sa hawak na cellphone. “I’m the boss, so it’s okay to be late.” Tugon naman ni Maverick saka siya nito hinalikan ng malalim. Napailing na lang si Evelyn

