EVELYN took a deep breath after she got out of the car. Sariwa at malamig na hangin ang sumalubong sa kaniya pagkababa niya ng kotse. Kasama niya si Attorney Guazon at Noah sa pagpunta niya sa probinsiya. “Miss Evelyn, ito ang ancestral house na pinatayo ng ama mo para sa ‘yo.” Iminuwestra ni Attorney Guazon ang kamay sa malaking ancestral house. Evelyn let out a small sigh. Sana kasama ko si Maverick ngayon. Aniya. Pero hindi na bale, isasama niya ito sa susunod na pagpunta niya rito. Tinignan ni Evelyn ang Ancestral House. Malaki ito at maganda. Sunod niyang tinignan ang paligid. Sa napakalawak na lupain, maraming mga puno ang nakatanim. Habang papunta sila rito, sinasabi ni Attorney Guazon ang tungkol sa lupain na ‘to. It’s an Agricultural Land. Halos lahat ng mga tinatanim ay mga gu

