NAKIKITA ko na rin na unti-unti nang napupuno ang loob ng MOA Arena. Ang dami na ring tao sa part namin at nakikita ko sa kanilang ang kasiyahan. “Puno ang venue, baby ko. Sold out ang tickets, maging sa pinaka-tuktok,” saad ni Benedict sa akin at tumingin pa siya sa harap at tinuro ang pinaka-dulo. Namilog ang aking bibig dahil sa sinabi niyang iyon. “May makikita pa ba sila roon?” tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “Mayroʼn pa naman, baby ko, pero maliit na lamang kaya sa monitor na sila manonood, doon sa taas!” aniya at nakita ko roon ang malaking monitor. Napatango na lamang ako habang nakatingin doon. Sobra ang pagmamahal nila sa lima kaya kahit sobrang layo na nila ay bumili at pumunta pa rin sila para manood ng live. Hindi rin naman nagtagal ay namatay na ang ilaw sa bu