“Good morning, Iha! Rise and shine!” Nakita ko ang malaking ngiti ni Manang sa akin at hinaplos pa niya ang mukha ko. “Bumangon ka na, Frances, naghihintay na sina Sir Conrad, Maʼam Francheska and Sir Callon sa iyo sa ibaba. Gusto ka nilang kausapin,” saad niya sa akin. “B-bumalik na po si dad, Manang?” tanong ko sa kanya at bumangon ako sa bed ko. Tumango siya sa akin. “Oo, Miss Frances, kaninang umaga lamang, talagang inaasikaso ang kaso roon sa gagong lalaki na iyon. Kung nandoon ako baka binayagan ko ang lalaking iyon. Wala siyang karapatan na saktan ka!” gigil na sabi ni Manang sa akin. “Hay, naku! Hina-highblood ako sa lalaking iyon!” dagdag pa niyang sabi sa akin. “M-Manang, ayos lang po talaga ako. Saka, alam po nating makukulong talaga ang lalaking iyon!” nakangiting sabi ko sa