bc

His Perfect Desire

book_age18+
9.3K
FOLLOW
62.6K
READ
drama
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Si Cherry Mae Banaag. Isang ulira at masipag na anak. Wala siyang ibang hangad kundi mabigyan ng masaganang buhay ang Ama na may sakit sa puso. Ngunit dahil sa hirap ng buhay at walang ipangtustos sa operasyon ng Ama ay kinailangan ni Cherry na tanggapin ang alok na tulong ng sikat na bokalista ng banda na Logistic Band na si Rexon Del' torre na nakilala lang niya sa isang bar kung saan siya nagta-trabaho.

Noong una ay pumayag siyang mamasukan bilang Personal assistant nito ngunit kalaunan ay iba na ang hinihinging kapalit ni Rexon. Makakaya n'ya kayang gampanan ang kapalit na tulong na binigay nito? Oh dapat na siyang umatras dahil pati yata ang puso niya ay nagawa na nitong bihagin.

chap-preview
Free preview
Simula
"Salamat po, Itay." Humalik ako sa pisngi nito bago kumaway nang makababa sa pangpasada nitong jeepney. "Mag-iingat ka anak." Bilin nito sa'kin. "Opo! Kayo rin po Itay. Yung gamot n'yo po huwag n'yo kalimutang inumin." Kumaway ako dito matapos ay tumalikod na para pumasok sa backdoor ng naturang bar. Diretso ako sa locker room at mabilis na nagbihis at bahagya pang nag-apply ng lipstick at powder bago lumabas. "Hi Cherry!" bati sa'kin ni Fernan na janitor sa pinapasukan kong resto-bar. "Good evening, Fer." Ngumiti ako dito matapos ko itong lampasan. Pumasok na ako sa loob habang tinatali ang apron kong suot. Inayos ng bahagya ang name pin ko at ngumiti. "Cherry, nand'yan ka na pala. Isang bucket sa room five!" sigaw agad sa'kin ni Jacky nang mamataan ako. "Okay," sagot ko at bumaling kay Calix na nagpupunas ng lamesa. "Isang bucket please." Yumukod ako sa lamesa at pasimpleng inipit ang buhok sa aking tenga nang tumalikod ito. Humarap ito at malakas na inilapag ang bucket habang ngumunguya ng bubble gum. "Salamat." Ngumiti ako rito na siyang nagkibitbalikat lang sa akin. Nilakad ko ang kahabaan ng mga lamesa. Puno ng tao ang restaurant ngayong gabi dahil araw ng Biyernes. Kadalasan ay puro estudyante ang costumer namin 'pag ganitong araw. Pero iba ang dami ng tao ngayon at siksikan kaya medyo naipit ako sa gitna. "Excuse me! Excuse me!" malakas kong sigaw. Mabuti ay tumabi ang ilan nang mapansin ang suot kong waitress uniform. Nakahinga lang ako ng maayos nang pumasok na sa hallway. "Ano bang meron?" tanong ko habang nilalakad ang daan patungo sa private room para sa mga magtatanghal ngayong gabi. "Room service," tawag ko sa pagitan ng pagkatok. Ngunit walang nagbubukas sa'kin ng pinto at panay tawanan lang sa loob ang mauulinigan ko doon. "Hello, room service!" Ulit ko na inilakas na ang boses. I blew out a breath. Marahan kong hinipan ang bangs ko habang nakasandal sa gilid ng pader. Binaba ko ang bucket sa sahig at dinukot ang cell phone sa aking bulsa para mag-update sana ng status sa facebook. Ngunit hindi pa ako nakakatipa nang bumukas ang pinto na siya kong ikinalingon. A man in his black leather jacket with white T-shirt underneath transparently looking at me with his two narrowed eyes. Bumaba ang tingin nito sa bucket na nasa aking paanan. "Ito na ba yung in-order namin?" His voice were so cold like a deep ocean. Habang ako ay tila umakyat ang hiya dahil sa nadatnan niya sa akin. Kinuha nito mula sa lapag ang bucket. "Yes, sir! Kumakatok kasi ako kaso walang nagbubukas..." Napapitik ako sa hangin nang tumalikod na ito sa'kin na walang pasabi bago isarado ang pinto na may diin. "Suplado!" Umismid ako rito na tangka na sanang aalis nang marinig ko ang muling pagbukas ng pinto. Ibang mukha naman ang sumilip mula dito kaya ako napahinto. "Sir?" Malawak ang ngiti kong bati rito. "Ah, Pakidalhan mo na rin kami ng Ice. " Ngumiti ito ng maluwang sa akin. "Sige po, may iba paba kayong gusto?" I asked again. "Iyon lang salamat. " Matapos ay tumalikod na ito bago isara ang pinto. Bumalik akong muli sa counter at yumukod kay Calix na busy sa pagmi-mix ng beverages. Sumulyap ito sa'kin at bahagyang nagtaas ng kaniyang kilay. "Ano 'yan?" tanong ko nangalumbaba sa harapan nito. "Blue Hawaii. Sweet and sour mix with blue coraçao." Sinalin nito ang cocktail juice sa long glass at nilapatan iyon ng pineapple chunk at cherry kasama ng mini umbrella. Nilapag niya ito sa harapan ko na bahagyang ngumiti. Agad na napatuwid ang likod ko dahil sa klase ng ngiti nito sa akin. "Salamat." Ginagap ko ito na tangka na sanang sisip-sipin nang magsalita itong muli. "Sa table six iyan, pakidala mo nal ang." He ordered. Agad na napawi ang maluwang kong ngiti sa tinuran niya at padabog na tumayo dahil sa pigil nitong tawa sa ginawa ko. Agad ring umakyat ang pamumula sa dalawang pisngi ko dala ng pagkapahiya. "Isa palang Ice bucket!" Bilin ko rito bago umismid. Rinig ko pa ang bahagya nitong pagtawa sa'kin. "Tss, paasa..." bulong ko at dinala na sa table six ang order kung saan isang grupo ng mga babae ang naroon at masayang nagkukwentuhan. Atubili akong lumapit at marahang nilapag ang juice sa table. Tumuwid na ako ng tayo at tangka na sanang aalis nang marinig ko ang pagka-basag na+g baso. "Oh shit!" malakas na sigaw ng babae sa aking likuran. "Oow!" Tutop ko ang bibig ng makitang basa ang damit ng isang babae at nasa lapag na ang basag na basong kabababa ko lang. "What the hell?!" Tila gusto nang lumabas ng mata nito sa sobrang panggagalaiti sa 'kin dahil sa nagmantsa sa damit niya ang kulay asul na juice. "I'm so sorry, ma'am. Papalitan ko na lang po." Yumukod ako at dinukot ang bimpo sa aking tagiliran para sana ito punasan. "Stupid! Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami? Tapos bigla mong nilagay sa lamesa na wala man lang pasabi?!" singhal nito sa akin. "I'm sorry again." I said patiently. "Tonta! Look at my dress! Alam mo ba kung magkano ito, ha?! Kulang pang pambayad sa Isang buwan mong sweldo!" sigaw na nito sa'kin na siyang ikinalingon nang ilang sumasayaw. Kahit pa malakas ang tugtog ay na-agaw namin ang pansin ang ilan. Napalunok ako sa pagkakaluhod dahil sa sinabi niya. "Paano na 'yan, lalabas na sila Rex..." Narinig kong may bumulong rito. "You will pay for this!" she shouted. Tumayo ito kaya ako bahagyang napa-atras. "I'm so sorry," wika ko at kinagat ng mariin ang labi. "Tama na' yan Candice." Narinig kong may pumigil rito. "This stupid girl doesn't know how to do her job properly!" sigaw pa nito. "Babayaran ko nalang po ang nasira ninyong damit," I said lowly. "Huh? You must be kidding me!" Humalukipkip ito ng tayo sa harapan ko. Doon ko naramdaman ang mainit na palad na dumantay sa balikat ko at tinulongan akong makatayo. "Miss, baka pwedeng pag-usapan ninyo ito ng maayos. Maraming costumer ang naantala dahil dito." Buo ang boses ni Calix nang magsalita sa likod ko. "Sino kaba? I want to talk to your manager!" Pinaningkitan nito ng mata ang nasa likod ko. Nanlalaki ang matang sinulyapan ko si Calix. Ginagap naman nito ang kamay ko saka nito hinarap ang customer. "I am the manager." Diretsa nitong sinabi. Tila naumid naman ang dila nang kaharap nito sa tinurang iyon ni Calix. "Kung magkano man ang damage ng damit ni n'yo ay babayaran ko." Dagdag pa nito. Tiningala ko ito dahil sa kaniyang sinabi bago magyukong hiyang-hiya sa sarili. "Huh.." Narinig ko ang patuyang ismid nito sa akin. "Sa susunod bago kayo mag-hired ng empleyado siguraduhin n'yo munang marunong mag-serve at hindi tatanga -tanga!" Hindi pa rin nito napigilang sabihin. "If you'd still insist her apology, mapipilitan akong palabasin kayo sa Bar na ito at abogado ko nalang ang kakausap sa inyo." Ma-awtoridad nitong sinabi sa kaharap namin na tila parang pinawalan ng kulay ang mukha. "Candice enough. Hindi mo makikita ang performance ng Logistic ikaw rin," sabi rito ng katabi. Hindi na ito sumagot pa matapos ay sa'kin naman bumaling nang tingin. She eyed me from head to toe bago ako irapan at tumalikod na sa amin. Sinenyasan naman ni Calix si Fernan para linisin ang mga piraso ng basong nabasag. "Are you alright?" tanong nito na giniya akong maupo sa sa isang high chair malapit sa counter bar. "Ayos lang ako. Salamat pala kanina. Babayaran ko nalang yung nasirang damit no'ng customer," saad ko. "No, ako na ang magbabayad." Sandali pa itong tumitig sa mga mata ko bago ako talikuran matapos ay bumalik na sa counter dahil may lumapit na customer. Pinagmasdan ko nalamang siya habang paalis. Hindi ko maiwasang pamulaanan ng mukha sa ginawa niyang pagtatangol sa'kin kanina. Hindi ko rin inaasahang gagawin niya iyon at aakuin ang damage na dapat ay sa'kin naka-charge. Sumulyap ito sa akin at tumaas ang kilay na sinenyasan akong lumapit. Shit lang dahil kuhang-kuha niya ako sa simpleng gesture niya lang na ganoon. Sumilay muli ang ngiti sa mga labi ko nang humarap ako sa kaniya. Agad naman nitong binaba ang Ice bucket sa aking harapan. "Kanina pa yan hinihintay sa room five," sabi niya na tumitig sa mga mata ko. "Salamat," I whisper. Umiling lamang ito bago ako ngitian. Sa puntong iyon ay tila nagkaroon ako nang konting pag-asa para sakanya. Sa totoo lang kasi ay matagal ko nang crush si Calix. Since college days pa ay siya na ang parati kong bukang bibig sa mga classmate ko. Hindi rin naman lingid dito ang pagtingin ko sa kaniya. Halata naman di ba? Dahil dito pa mismo ako nag-apply sa Resto-bar kung saan siya ang nagmamay-ari. Nakakatawang Isipin dahil hindi naman ito ang kursong tinapos ko pero pinili kong mag-apply dito kahit pa wala akong eksperiyensa sa pagwe-waitress. Hindi ko alam kung kailan ako titigil sa pag-iilusyong isang araw ay magugustohan niya rin ako. Siguro titigil lang ako 'pagnakita kong ikakasal na siya sa ibang babae. Pero habang hindi pa niya nahahanap ang babaeng iyon. Alam kong may pag-asa pa ako... "Room service!" Katok kong muli sa saradong pinto. Naiinip na tumingala ako sa itaas ng pinto kung saan naka-indicate roon ang mga tutugtog ngayong gabi. "Logistic Band?" Basa ko sa papel na naroon. Doon naman bumukas ang pinto at ang matangkad na lalaki kanina ang humarap sa'kin. Ilang minuto pa ako parang na bato balani dahil sa akin nitong kagwapohan. Nito ko lang din napagtanto na gwapo nga nito talaga. Ang mga mata niyang nangungusap at ang agaw pansin niyang labi na tila kasing pula ng makopa ang nabibigay dito ng malakas na appel. May piercing ito sa kaliwang kilay. Halata rin ang malaki nitong katawan dahil sa nipis nang suson nitong T-shirt na puti. He glance at his wrist watch matapos ay sa hawak kong Ice bucket. "Twenty minutes ba bago kayo mag-serve dito?" Malalim ang boses nito nang magsalita sa'kin. Doon ako natauhan dahil sa kaniyang sinabi. I shook my head and wear my sexy smile. "I'm so sorry, sir. Medyo may konting problema lang sa labas." sagot ko. Humalukipkip ito ng tayo sa harapan ko at sumandig sa hamba ng pintuan. "And the management allowing their employees to use their phone during work hour?" He smirked. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko magawang sumagot dahil tama naman siya. Paano ko pa ipagtatangol ang sarili ko kung huling-huli naman ako sa aktong ginagawa iyon? "Hi, miss!" Sumilip ang mukha ng lalaking nang hingi sa'akin ng yelo kanina. Umakbay ito sa lalaking nakatitig pa rin sa'kin. "Pre, naman tinatakot mo yung waitress." Tinapik pa nito ang balikat ng huli. "Pasok ka..." Nagulat ako nang hilahin nito ang isa kong kamay papasok sa loob. Natigil ang tawanan ng mga ito dahil sa pagpasok ko. "Hi, beautiful lady!" Kaway sa akin ng isang lalaki na hawak ang baso ng alak. "Guys this is... " Yumukod sa akin ang lalaking katabi ko na hinihintay akong magsalita. "Cherry.." Mahina kong sagot. "Cherry!" Sabay-sabay nilang sabi na bakas ang maluwang na ngiti sa labi. "I'm, Zack." Kaway ng lalaking bumati sa'kin kanina. "Skye at your service," anang isa at sumaludo pa sa akin. "And I'm Jeff." Humarap ito sa akin na nilahad ang kamay na siya kong inabot. Nagtataka man kung bakit sila nagpapakilala ay hindi ko nalang tinanong pa. "And this man behind you is Rexon." Matapos ay ngumisi lang dito. Hindi ko ito nagawang lingonin dahil sa paglabas ng matangkad na lalaki mula sa dressing room. "And he's our manager Dawzon Del'torre." Sumulyap ito sa'kin at bahagya lamang tumango. "You'll start in a minute," sabi nito sa mga kaharap na sumulyap sa relong pambisig. "Tsk... Hindi pa nasasayaran ng alak yung lalamunan ko." Bigla ang tayo nang nagpakilalang Zack sa aminn. "Ah, pasensya na kayo, sir." Agad kong sinabi. "It's okay, Cherry." Naramdaman ko ang palad ni Jeff sa aking balikat. Agad ko namang nilapag ang Ice bucket sa lamesa na bahagya nang nalulusaw. Yukong yuko ako sa hiya dahil sa kapalpakan ko ngayong gabi. "Anything you want, sir? Another bucket of Ice or anything?" tanong ko sa mga ito na tila dismayado sa pagka-antala ng yelo. "Sure..." Agad na sagot ni Zack. "No, were fine. You may leave now, miss." sagot naman nang nagngangalang Rexon sa'kin na kumuha ng Isang bote ng beer para isalin sa baso. Ang ilang yelong natira ang ginamit nito sa kaniyang baso. Wala na akong nagawa kundi ang magyuko at tangka ng lalabas nang sabayan ako ni Jeff palabas. "Gabi-gabi ka bang nandito?" tanong nito. "Opo, sir." Magalang kong sagot. "Jeff na lang pwede?" aniya sa'kin. "Pasensya ka na nga pala kay Rex." Dagdag pa nito. "Ayos lang po, sir. Ako nga po dapat ang humingi ng pasensya." Huminto ako nang makalabas kami ng silid. "Salamat ulit, nood ka mamaya ha?" Yumukod ito sa akin habang nakahawak sa hamba ng pinto. "Sige po... " Nadepina ang mga labi ko rito dahil hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi sa kanya. Tumango nalamang ito sa huli matapos ay nagsara na ng pinto. Bumalik naman ako sa counter bar na pawisan ang noo. Bakit ba abot-abot ang kamalasan ko ngayong gabi? Nakasimangot akong naupo sa Isang bakanteng silya at pinanood ang mga tao na tila nagkakagulo at sumisigaw. Sinulyapan ko si Calix na nakayukod sa lamesa habang umuusok sa kanang kamay ang sinindihang sigarilyo. "Hoy!" Pinagpapantasyahan mo nanaman si Calix, ano?" Tumabi sa'kin si Jacky na may hawak na tray. "Ha? Hindi ah!" Sunod-sunod kong iling. "Sus, bumenta na yan, eh! Ano may bago pa ba?" Pinatong nito sa lamesa ang empty tray at nangalumbaba ng tingin sa unahan. "Wala naman." Mahina ko itong sinagot. "Balita ko nakabasag ka nanaman daw ng baso. Pang-ilan mo na ngayong Linggo?" Ngumisi ito sa akin kaya ko ito inirapan. Sa totoo lang kasi halos gabi-gabi ako nakakabasag ng baso at hindi ko na mabilang kung ilan. "Hindi nakakatawa..." Pinilit ko pa ring sinagot. "Talagang hindi nakakatawa kapag natanggap mo na ang pay check mo." Ngumisi itong muli. Napabuntong hininga nalang ako sa kaniyang sinabi. Kung kailan kailangan ko ng pera ngayong buwan saka pa sunod-sunod ang kapalpakan ko. Nayayamot na nangalumbaba rin ako sa lamesa at tinanaw ang stage kung saan nagsi-akyatan na isa-isa ang grupo nila Jeff. "Oh my God!" Nagulat ako nang magsigawan ang mga tao maging si Jacky sa aking tabi ay hinila ang T-shirt ko na agad tumayo. "Rex! Rex!" sigaw ng crowd habang si Jackilyn ay halos mamatay-matay sa aking tabi. "Tsss.. ." Umirap ako dito at tumayo na rin dahil sa natabunan na ako nang mga taong dumagsa sa harapan. "Go Logistic! I love you, Rexon!" They chanting. "Grabe ang gwapo talaga nila." Tila namumulang makopa ang mga pisngi nito dahil sa kilig. Pinaningkitan ko ng tingin mga ito na nag te-testing pa ng mic pero bigla nalang umarko ang mga kilay ko sa mga ito. "Nasaan ang gwapo d'yan?" wika ko na kunyari'y nasisilaw lang sa liwanag ng malikot na ilaw. "Sus, bulag ka ba? Ang timano kasi puro si Calixto lang ang gwapo sa paningin mo!" Reklamo nito na hindi ko na lang pinansin. "Aanhin ko naman ang gwapo nga? Masungit naman." Humalukipkip ako ng tayo dito na siya niyang ikinalingon sa akin. "Paano mo naman nasabi, aber?!" Tinarayan na ako nito na parang gusto na akong bunutan ng kilay sa sobrang taas nito. "Kanina, diba pinag-serve n'yo ako sa room five?" walang ka gatol-gatol kong sinabi. "Oh shit! Really?! Kung alam ko lang ako na sana ang nag-serve sa kanila!" Nagmamaktol nitong saad. Ngumisi lamang ako dito matapos ay umiling-iling. "Hello mic test... " Mabilis akong sumulyap sa stage nang marinig ang boses na nagsalita. Sigawan agad ang manonood sa narinig mula rito. "Good evening everyone. Are you having fun?!" malakas na nitong sigaw. "Yes!" Nakisigaw na rin si Jacky sa crowd. Ako naman ay tila napatanga sa lamyos ng boses nito. Yumuko ito para ayosin ang guitara sa kaniyang balikat at bahagyang tumipa sa string. "Are you ready guys?!" Itinaas pa nito ang Isang kamay matapos ay ngumiti sa mga nanonood. Napalunok ako sa klase ng ngiti nito. Lalo pa nang bahagya nitong kagatin ang ibabang labi matapos ay humalik sa mic. Mabilis kong natahip ang paghinga at humawak sa dibdib. Matapos ay lumingon kay Calixto na nakayukod pa rin habang busy rin sa panonood. Bumaling naman ako kay Rexon na ngayo'y umatras habang hila ang mic stand. Tila tinulos ako mula sa pagkakaupo nang tumama ang mata niya sa'kin. I swallowed hard cause' he stayed for a about a second na parang ako lang ang kinakantahan. Hindi ko rin akalain na ganito pala kalamig ang tinig niya. Pati ang gesture niya kung paano kumanta. At kung paano niya hawakan ang mic na may dating. Literal niya akong dinala sa kung saan. He started to smile a bit while he was singing. Napasinghap ako sa lakas ng kabog ng puso ko dahil sa epekto ng ginawa niya. The butterflies on my stomach are getting wild. Parang ayoko nang mapatid ang tinging iyon. Per bigo ako nang pumikit ito at tamaan ang chorus. Sabik akong makita ang muli niyang pagdilat ngunit bumaling na sa iba ang tingin nito. "Cherry sa table 8!" Tawag pansin sa'kin ni Calix na siya kong nilingon. "Hah, Oo... " Tumitig muna sa mga mata ko si Calix bago niya i-abot ang baso ng cape cod vodka. Habang naglalakad ay para akong dinuduyan ng kaniyang kanta. Muntik pa nga sana akong lumampas dahil sa nakakadala nitong boses kung hindi lang ako kinalabit nang Isang lalaki. "Miss dito 'yan!" Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya ako lumingon. Agad ko naman binaba ang order ng mga ito sa kanilang table at tangka na sanang aalis pero muli ay hinawakan nito ang braso ko. "Miss, table ka muna sandali," sabi pa nito na hinila na ako na siyang dahilan para mapaupo ako sa kandungan nito. "Ayy, ano ba!" Malakas kong sigaw dito na tangkang tatayo pero maagap ako nitong pinigilan. "Ang taray mo naman, Miss. Magkano ba ang gusto mo, ha?" Bulong nito sa'kin na siyang ikinapanting ng tenga ko. "Bastos ko, hah!" sigaw ko at sinampal ito ng malakas. Hindi ko alintana ang pagtigil nang tugtog at pagtahimik ng buong paligid sa ginawa ko. Talagang nilakasan ko para masaktan ito dahilan para makatayo ako at makalayo dito. "Abat, matapang kang babae ka, ha!" Tangka itong lalapit sa akin nang may bigla pumagitan sa aming dalawa. Awang ang mga labi ko nang makilala taong iyon. "Take off your dirty fingers on her or else, I will gonna punch you to death, " he said in a low rumble voice. "Rexon?" my trembled lips said.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
41.9K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.3K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook