CHAPTER 21 Nang makarating si Maxine sa pasilyo kung saan naroon ang silid na papasukan niya para sa unang klase sa araw na iyon ay hindi niya maiwasang matigilan. Hindi niya alam kung paano haharapin si Kurt matapos ng nangyari kahapon. She received text messages from him. He even tried to call her last night. Pero isa man sa mga iyon ay wala siyang sinagot. Hindi niya magawang kausapin ang binata matapos ng naging takbo ng usapan nila ng kanyang Uncle Leandro. Hindi itinago ng tiyuhin niya ang galit dahil sa paglilihim na ginawa niya. Alam niyang mas iyon ang ikinakagalit nito kaysa sa kaalaman na nagnobyo na siya. And she can't blame him. Totoo namang nagsinungaling siya sa mga ito. Totoong ginamit niya ang ibang rason para lang makasama si Kurt nang palihim. Ang hindi niya lang mai