CHAPTER 26 Agad na napaupo nang tuwid si Maxine nang makita si Kurt sa loob ng Gem Galore. Kung kanina ay waring wala siya sa sarili habang kausap si Janina, ngayon naman ay mistulang nabuhay kahit ang kaliit-liitang himaymay sa kanyang katawan. She felt tense and suffocated. Dahil sa presensiya ng binata sa loob ng kanilang jewelry store ay para bang sumikip ang paligid at hindi siya makahinga. "Yes, sir. May I know what do you need?" wika pa ng empleyado nilang siyang unang lumapit kay Kurt. He cleared his throat and roamed his eyes around their store. Inisa-isa nitong pagmasdan ang bawat eskaparateng pinaglalagyan ng mga alahas na kanilang ibinebenta. Pahakbang-hakbang pa ito habang nakapasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon. Nakasunod lamang dito ng