02

607 Words
Lucky's POV; "Arggh! Bwisit!"mura ko bago naiinis na bumangon at parang tangang ginulo ang buhok ko habang nakaupo sa kama. "Bakit ba hindi mawala sa utak ko ang mukha ng kupal na yun?!"naiinis na sigaw ko bago ibagsak ulit ang katawan ko sa kama bago titigan ang kisame. Ang mga mata at ekspresyon niya. "Walang kabuhay buhay."bulong ko ng maalala ang mga matang meron siya. Matangos na ilong,perfect jawline,pink lips at itim na itim na mga mata isama mo pa ang makapal nitong kilay at mahabang pilik mata. "Argghh!ano ba Lucky?!"naiinis na sambit ko bago isubsob ang mukha ko sa unan. Napamulat ako ng mata ng maalala ko yung Tattoo niya sa bandang collar bone. "10?"ani ko at para saan yung number? "At bakit niya gusto magpakamatay?" 3rd Person's POV; "Lucy anong problema?"tanong ng binata ng pagbukas niya ng pinto bumungad sakanya ang dalagang may hawak na shot gun at nakabusangot na hila hila ang maleta nito. "Kailangan ko ng tulong mo."ani ng dalaga bago pumasok sa loob at hinagis ang hawak nitong shot gun sa sofa at lumuhod para buksan ang maleta nitong hila hila. "Anong tul--." Naputol ang sasabihin ng binata ng buksan ng dalaga ang maleta. "Saan mo nakuha yan?..nakita mo na si Hector?"tanong ng binata ng makita ang mga laman ng maleta. "Si Hector nakita ko na...alam ko na din kung pano matatrack ang iba gamit ang device na ito."ani ni Lucy na kinakunot ng noo ng binata. "Oh tapos?alam mo na pala bakit kailangan mo pa ng tulong ko?"tanong ng binata na kinaangat ng tingin ng dalaga. "Na track ko na ang location ng lahat...maliban kay Kill."ani ng dalaga na kinamura ng binata. "Hawak ni King si Hellion diba?...sinong kasama ni Kill?"tanong ng binata. --- "K-Kuya*sob*Kuya." "Papa!tama na nagmamakaawa ako!."ani ng batang nasa labing dalawang taong gulang na bata bago lumuhod sa harap ng lalaki. "Ako na lang!ako na lang!"ani ng lalaki bago tumingin sa batang nasa limang taong gulang na bata. "Kill."ani ng batang lalaki bago hilahin ang bunsong kapatid at yakapin ng mahigpit. "Kailangan mong mabuhay Kill...kailangan mong mabuhay."tumutulo ang luhang sambit ng batang lalaki habang nakatingin sa bunsong kapatid na umiiyak. "Kuya wag mo akong iwan...kuy--." Naputol ang sasabihin ng batang lalaki ng pumutok ang hawak nitong baril sa dibdib ng kapatid ng tingnan niya ito. Agad nabitawan ng bata ang baril ng makitang hawak yun ng kuyahin at ito mismo ang kumalabit sa gatilyo. "K-Kuya."halos gumuho ang mundo ng batang lalaki ng makita ang ina at kuyahing duguan na nakahiga sa sahig. "M-Mama..K-Kuya."sambit ng binata habang nakaawang ang bibig na nakatingin sa kuyahing naliligo sa sariling dugo at inang nakamulat ang mata habang nakatingin sakanya habang may nakabaong bala sa noo ng ginang. --- "Bakit madaming natatakot sa kamatayan?"tanong ng binata habang nakahiga sa damuhan at nakatingin sa kalangitan. "Hindi ba nila alam na sa kamatayan mo lang makikita ang tunay na kapayapaan."walang buhay na sambit ng binata bago itaas ang kanan nitong kamay at takpan ang buwang sumisilaw sa mga itim na itim na mga mata ng binata. "Gabi na Killua bakit gising ka pa?"ng ibaba ng binata ang kamay nito bumungad sakanya ang dalagang si Lucky na nakalongsleeve na puti na bahagyang kinatulala ng binata. "Hindi ako makatulog."sagot ng binata bago bumangon at tingalain ang dalagang nakatingin sa napakalaking buwan na nasa harap nila. "Ang ganda ng buwan."komento ng dalaga na kinaiwas ng tingin ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD