MALAKAS niyang tinulak ang asawa palayo sa kanyang katawan ng yumakap ito. Anong akala nito ay ayos lang na pagkagaling sa babae nito ay parang walang ginawang kasalanan? “Aking mahal, hindi mo ba ako gustong makita?” “Tama ka kaya bumalik ka na lang doon sa babae mo!” “Babae ko?” “Pero tandaan mo hindi ko ibibigay sayo ang kalayaan mo upang maging maligaya kayong dalawa!” saka niya ito tinalikuran ngunit mabilis nito siyang nahabol at niyakap ng mahigpit. “Bitawan mo ako Lorenzo, hindi ako nadadala sa mga ganyang payakap yakap mo!” “Hindi kita maintindihan ano bang babae ang sinasabi mo?” “Bitaw sabi eh!” sabay sipa niya sa harapan nito at nang mabitawan siya nito ay agad na naglalakad palayo dito. Wala siya pakialam kung mamilipit ito sa sakit dahil sa lakas ng ginagawa niya. Napak