Geraldine's Point of View* Gulat pa din silang nakatingin sa akin ngayon. Totoo naman ang sinabi ko eh. Malinaw sa aking alaala ang mga nangyayari noon. Ang Phantom Syndicate ay isang grupo ng mga malalakas na assassins sa boung mundo. At mahirap ang pagdadaanan mo para makapasok sa grupong iyon. Maaga akong sinalang ni Dad sa grupong iyon at sa batang edad ko ay madali akong nakapasok dahil natapos ko ang lahat ng task na binigay sa akin. Malaki din ang pasasalamat ko kay dad nun dahil maaga niya akong sinanay nun at madali na lang sa akin ang makapasok doon. Kahit ilang taon na akong hindi nagpapakita doon ay kasali pa din ako sa grupo dahil never sinabi na patay na ako sa lahat. Nawala lang ako at babalik ako kung kailan ko gusto. "Teka lang ano ba ang kailangan niyo sa grupo

