Geraldine's Point of View* Nakita ko na nagulat din ang mga kasamahan ko dahil sa sinabi ng chief namin. Nakikita ko na mukhang may spy nga na pinapasok si Chief sa loob ng mansion. Sino ang spy na yun? "Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala ang aksidenteng napakasalan mo noon pa man? Para hindi ko ibinigay sayo ang mission na iyon." "Chief, accident lang ang lahat." "So, alam ninyo na kinasal siya talaga sa lalaking iyon at hindi niyo man lang sinabi sa akin? Nalaman ko pa talaga ang bagay na yun sa ibang mapaparaan?" Napayuko ako nang may nalaman na isang bagay at alam ko na siya talaga ang gumawa ng bagay na yun. "Chief." Napatingin naman sila nung nagseryoso ang boses ko habang nakatingin sa kanya. "Ikaw ba ang nag-send sa akin ng video na yun?" Alam na niya ang mean ko

