Geraldine's Point of View*
Nakarating na kami sa department at agad akong sinalubong ng mga kasamahan ko.
"Welcome back, Agent Astraea!"
"Thank you! Oh di ko kay nakalimutan at may pasalubong kayo sa akin."
"Yun!"
"Bribery na yan ha," ani ko sa kanila na kinatawa naman nila.
"Nasaan si Chief?"
"Nasa opisina. Ikaw na ang pumasok may gagawin kaming mga brotherhood mo."
Tumango naman ako sa sinabi ni Skyler at ganun din ang iba. May mga trabaho din kasi sila at sinundo lang talaga nila ako.
Kumatok ako ng tatlong beses at agad kong binuksan ang pintuan.
"Chief!"
Napatingin naman si chief sa akin.
"Oh, dumating na pala ang hinihintay ko eh! Halika dito para masimulan ko ng makwento sayo ang tungkol sa subject mo."
Dahan-dahan naman akong tumango at lumakad na ako papunta sa swivel chair at umupo ako doon at nagdekwatro pa ang mga binti ko at sumandal at napatingin sa projector na nasa harapan namin.
"Okay, let's start."
Biglang lumabas ang logo sa white board.
"The subject mo ngayon ay isa sa mga kinatatakutan sa boung mundo sa mundo ng business at according sa mga hinala na baka siya ang Mafia Emperor na matagal ng hinahanap ng lahat."
Naalala ko na chismis nila tungkol sa Mafia Emperor ay ang taong palaging nakasout ng golden mask habang nakatingin sa mga tao at nakasout din siya ng cape na itim para di makikita ang katawan niya na nakasout din ng black tux at gloves na tila cover na cover talaga at ang makikita lang ang buhok nitong itim na kakulay ng gabi.
Actually, hindi ko pa nakikita sa personal ang Mafia Emperor at di ko pa talaga masisiguro na siya ba talaga ang magiging subject ko ngayon.
"Bakit naman hahanapin eh hindi pa naman niya tayo minassacre dito."
Napatingin naman si Chief sa akin.
"Dahil siya ang ulo ng lahat. Alam mo naman diba na delikado ang mga Mafia. Ano pa kaya kung Emperor na talaga. Kailangan malaman natin kung sino siya para malaman natin kung ano ang mga susunod na gagawin niya."
Napaisip naman ako at mukhang may tumpak naman sa mga sinasabi niya. Napatingin ako kay Chief.
"Ano ang susunod? Wag mo naman akong bitinin, Chief."
"Ikaw talaga mainipin ka talaga noh?"
"Kilala mo naman ako diba? Ayoko yung binibitin ako."
"Okay, fine fine."
Pinindot niya ang remote at lumabas doon ang info nito at napatingin ako sa pangalan ng taong subject ko.
"Ang pangalan ng target mo ay si Michael Muller, 30 years old, married at siya din ang CEO ng Muller Corp."
Napalunok ako habang nakatingin doon.
"May itsura... I mean may picture ka ba niya? Ano ba yang power point ninyo wala namang litrato, Chief."
Napatingin naman siya sa screen at natawa naman siya ng mahina.
"Pasensya, ito na."
Pinindot niya ang remote at nung lumabas ang litrato ay doon parang nawala atah ang kaluluwa ko sa katawan ko ngayon dahil sa nangyayari. Damn it!
Ang taong napakasalan ko nung last month ay siya ang magiging subject ko! Napaaga atah ang pagsolve ko sa kanya.
"Are you okay, Astraea?"
Napatingin ako kay Chief at napangiti ako ng mapait at dahan-dahan na napatango.
"Yes, ayos lang baka pagod lang ako. Sige patuloy niyo po, Chief."
Napakagat ako sa labi ko. Damn ang weird na magkita ulit kayo ng lalaking naka one night stand mo pa!
Inexplain pa niya ang mga info tungkol sa kanya nang may napansin ako.
"Diba, lumpo siya?"
Natigilan naman sa pagbabasa si Chief at napakunot ang noo niya.
"Lumpo?"
"Ah oo, lumpo siya kasi nabalitaan ko na nakawheelchair siya nun at di na makalakad. Yung kasal niya ay iniwan siya ng Bride niya nun..."
"Huh? Alam ko na kasal na siya pero hindi ko nabalitaan na iniwan siya ng Bride niya."
Teka tinago nila sa publiko ang nangyayari? Paano ba ito?
"Wala naman akong narinig na ganyan baka sa chismis mo lang yan narinig at maayos naman ang paglalakad niya at hindi naman siya nakaupo sa wheelchair. Alam mo naman na marami ng edit ngayon na kumakalat at camera trick ang iba nun. Wag Mang maniwala sa ibang yun."
Di na ako nagsalita at pinabayaan ko na lang. Mukhang may kakaiba atah sa nangyayari ngayon huh?
"Uhmm... Tungkol sa pagpasok mo sa buhay niya ay ano ang plano mo? Mag-aapply ka ba bilang assistant niya?"
"Mukhang prefer ko sa mansion na lang niya maging katulong para free akong makalabas pasok sa mansion niya lalo na sa kwarto niya."
Dahan-dahan naman siyang tumango.
Pero married siya? Pag-alis ko ba ay nakapagpakasal na agad siya sa iba? Wow ha ang dali naman nun.
Pero hindi ko inexpect na siya ang magiging subject ko ulit. Damn, ngayon ko lang nasubukan ang bagay na ito huh. Hindi naman alam ni Chief na may panandaliang mission ako pang-allowance pero wala naman akong nakuha nun at kalasingan lang siguro.
Pero hindi ko susukuan ang mission na ito dahil exclusive ito at malaki ang makukuha kong sweldo kung matatapos ko ito.
"Ano ba ang finalize ko nito? Kagaya nung kay Senator Josh na pinahiya ko sa karamihan eh ano naman ang kay Mr. Muller?"
"Once malaman mo na siya talaga ang Mafia Emperor ay pwede mo na siyang tapusin."
Natigilan ako sa sinabi ni Chief. Normal na sa amin ang ganung bagay dahil yun ang trabaho namin bilang Agent.
"Papatayin ko siya?"
"Yes, easy lang naman yun sayo diba?"
Dahan-dahan na lang akong napatango dahil sa sinabi niya. Lalo na't mortal na kalaban namin ang mga external intelligence kagaya nila na mga Mafia, Yakuza at marami pang iba.
For the sake of my mission ay haharapin ko iyon and be professional and no feelings attach in the subject.
"Every step I take, every word I say, it's all part of the role. Focus on the objective. The rest is just noise."
*******
LMCD22