Geraldine's Point of View* Nakabihis na ako ngayon ng disguise at napatingin ako kay Jane na nag-aalalang nakatingin pa din sa akin. "Jane," tawag ko sa kanya at nagising naman siya. Malalim atah ang iniisip niya ngayon. "Hmm?" "Look into my eyes." Tiningnan naman niya ang mga mata ko. "Hangga't nandidito pa ako ay walang kahit sino ang hahawak sayo. Hangga't walang permission ko ay walang kahit sino ang kukuha sayo dahil kanang kamay kita. Naintindihan mo ba?" Nakita ko na nagka-emosyonal naman ang mukha niya at tumango agad. "Yes, Milady. I will protect you with all my heart." "Hindi ko naman sinabi na protektahan mo ko. Ang sa akin lang ay mabuhay ka ng payapa." Nakangiti naman siya habang nakatingin sa akin. "Hindi ko alam kung bakit ganito ka kabait sa akin, milady. I fee

