Geraldine's Point of View* Nasa hideout na kami ngayon at kasama ko sina Jane at isang kanang kamay ni dad na si Bruno. Kilala niyo pa naman si Bruno yung kanang kamay ni dad na kakaiba kung humusga sa akin noon. Humingi na din siya ng tawad sa akin kaya okay na kami ngayon. Pinatawag namin ngayon si Bruno dahil sure kami na kilala niya ang lahat ng mga assassins na dumaan sa kanya. "Uncle Bruno, kayo na po ang bahala sa kanila. Kilala mo naman sila diba?" Napatingin naman ito sa kanila at nakikita naman ng mga nahuli namin na namutla sila nang makita si Bruno. "Yes, I know them. Takas silang lahat na mga assassins at ang iba naman ay mukhang traidor lalo na ang dalawang babaeng ito." Dahan-dahan naman akong tumango. "P-Patawad po, Milady! Hindi po namin alam na buhay po kayo!" N

