Geraldine's Point of View* Ilang players na ang bumagsak sa sahig dahil may bet itong Asawa ko na kung sino ang makakatalo sa akin ay mananalo within 1 hour sa gitna ng ring. Isa-isang kinukuha naman ang mga wala ng malay sa ring may mga pumapasok pa ring mga players. "Bakit hindi ka napapagod?" Mabilis niya akong inatake at napaiwas na lang ako at na-out of balance naman siya kaya hinayaang ko na lang mahulog sa ring at ibig sabihin nun ay wala na siya sa laro. "Hindi ka atah tao!" Mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi nung isang lalaki. "Hmm... noon iyon na hindi ako tao pero ngayon ay tao na ako wag kayong mag-aalala." Nanlalaki naman ang mga mata nila dahil sa sinabi ko at sabay-sabay naman silang lahat na umatake at napa-smirk naman ako at isang iglap ay nawala ako sa ha

