Geraldine's Point of View* Nakarating na kami sa port ng island at tahimik lang akong nakasunod sa mga likod ni Mike. "Welcome back, Mr. Muller." "Hmm.." Napatingin naman sila sa akin na nasa likod ni Mike at ngumiti naman ako sa kanila. "Mr. Muller, sino po itong kasama ninyo? Ngayon lang po namin nakita. We need to know her identification." Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko naman alam na strict talaga dito. Pero nevermind, dapat lang noh. "She's my personal assistant." "Her identification?" Hala ang strict nga! "Wh---" "Here, sir." Inilahad ko sa kanila ang ID ko at mabuti dinala ko ang identification ko bilang Girlie noon na nagtatrabaho bilang assistant sa company ni Mike. "Palagi po akong kasama ni Mr. Muller sa company." Napatingin naman ang tauhan kay Mike. "Mr.

