Geraldine's Point of View* Nakatingin ako ngayon kay Mike na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Kaya nga sinabi ko na hawakan kita dahil alam ko na maiiwan kita at mawawala ka sa sobrang laki ng mansiong ito." Hinawakan niya ang kamay ko at mukhang pinaparinig niya talaga ang lahat ng iyon sa mga tao na nandidito. "O-Okay." Tinabunan niya ako sa mga taong nandodoon at pinunasan niya ang mga mata ko. Hindi ko pala namalayan na umiiyak na pala ako. "Sorry." "I understand." "Mr. Muller, ayos lang po ba riyan?" rinig na ani ng butler namin sa taas ng hagdanan. "Yes." Inilagay niya sa damit niya ang kamay ko para humawak ako roon. "Ayos ka na?" Ngumiti ako at dahan-dahan na tumango. Lumakad na kami paakyat sa hagdanan at nagpatuloy na rin sila sa paglakad papunta sa lugar kung saan

