Geraldine's Point of View* Nararamdaman ko ang sakit ng katawan ko ngayon habang nakaupo sa upuan kaya dahan-dahan akong nagising. Napamulat ako at agad akong nagising kasabay ng pagtingin-tingin ko sa paligid kung nasaan ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako ngayon at naaamoy ko din ang paligid na parang amoy limang mga gamit ang nandidito ngayon. Madilim ang paligid pero may kaunting liwanag naman ang nanggagaling sa gilid. Nakikita ko din ang hagdan paakyat na pamilyar sa akin. Hanggang sa makita ko ng maliwanag ang nasa paligid at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Mike sa tabi na walang malay. "H-Hubby..." Nagpapanik ako ngayon. Doon ko napansin na nakatali pala ang kamay at paa ko ngayon. "Damn! Hubby! Wake up!" Nakikita ko ang dugo at pasa sa katawan at mukh

