3rd Person's Point of View* Nag-aalalang nakatingin ngayon si Jane sa labas ng binatana dahil anong oras na at hindi pa din umuuwi ang milady niya. Nag-aalala siya na baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa labas. "Sana sinamahan ko na lang si milady." Tumayo siya sa gilid ng bintana at napatingin naman siya sa labas. Doon niya na-realize na mataas-taas din pala ang tinalunan ng milady niya. Napahawak na lang siya sa ulo niya dahil nakalimutan niyang padalhan ito ng cellphone para hindi niya mag-aalala sa lagay nito. Kinuha niya ang phone niya at tiningnan niya ito dahil nakapatay ito. Ilang araw na siyang hinding gumagamit ng phone. Simula nung sumuko na si Rafayel sa kanya ay pinatay na niya ang phone niya. Binuksan niya ito at ini-expect niyang makita agad ang message ni Ra

