bc

Just Call Me Tita

book_age18+
136
FOLLOW
1K
READ
dark
one-night stand
fated
heir/heiress
bxg
campus
naive
like
intro-logo
Blurb

Lumaki sa hirap ng buhay si Alejandro. 20-anyos pa lang ay marami na siyang napasukang trabaho. Angkin ang maskuladong pangangatawan at kaaya—ayang mukha ay hindi nahirapan si Ale na gamitin iyon para kumita ng pera.

Pero paano kung makatagpo ito ng kleyenteng mas mainit pa sa apoy?

At ang mas nagpapagulat pa sa kaniya ay hindi ito kasing bata nang iniisip niya.

“Ano naman ngayon kung mas matanda ako sa ‘yo? Just call me Tita, a Tita that would make you feel the never—ending desire.” – Emilia Alvarez.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alejandro’s POV ILANG oras na akong naghihintay sa gilid nitong daan. Panay tingin ako sa suot kong relos upang tingnan ang oras. Sa puntong ito ay alas otso na ng gabi at lagpas sampung minuto na mula sa napag-usapang oras na may susundo sa akin na sasakyan. Halatang unti-unti nang lumalim itong gabi. Madilim na ang paligid at unti—unti na ring dumalang ang mga sasakyang dumadaan sa malawak na daan. Napayakap ako sa aking balikat lalo pa at matinding lamig ang dala ng bugso ng hangin. Ilang segundo pa ang lumipas at kaagad ko na ring namataan ang isang sasakyang papalapit sa akin ngayon. Isa itong van na malaki ang kutob kong ito na iyon. Kasabay ng paghugot ko ng malaim na hininga ay ang paghinto nitong van sa aking harapan. Napatingin pa ako sa paligid upang masigurong walang taong nakakakita at nang malamang wala ay saka ko na binuksan itong pinto saka tuluyan nang pumasok sa loob. Tahimik at malamig ang aircon ang siyang bumungad sa aking atensyon nang pumasok ako sa loob. Unang bumungad sa aking paningin ang isang lalaking driver na hindi man lang nagpakita sa akin. Ngunit malaki ang tiwala ko dito lalo pa at ito naman ang trabaho ko. Sanay na ako sa ganitong bagay kaya hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayari. “Ilang oras bago tayo makakarating sa sinasabing mansion?” tanong ko nang magsimula nang umusad ang sasakyan. “Wala pang isang oras ay nandoon na tayo. Relax ka lang diyan at ihanda mo ang iyong sarili. Paniguradong hindi mo makakayang labanan ang boss ko ngayong gabi.” Wika nito. Hindi na ako nag-abala pang sagutin ang sinabi niyang iyon sa halip ay binaling ko na lamang ang aking paningin sa dinadaan namin. Pansin ko pa ang unti-unting pagbabago ng lugar at mula sa mga gusali ay unti-unting napapalitan ng naglalakihang puno itong paligid. Hindi na rin ako na nag-abalang magtanong pa. Mansion ang pupuntahan namin kaya paniguradong talagang nasa gitna ito ng kagubatan. “Ito,” napatingin ako sa harapan nang marinig ko ang boses niya. Bumungad sa aking paningin ang isang card na bago pa lamang sa aking paningin. “Para saan ito?” tanong ko habang nakatingin sa isang bagay na hawak ko ngayon na kung titingnan ay isa itong invitation card. “Hindi mo na kailangang malaman. Magagamit mo iyan mamaya at malalaman mo rin ang halaga niyang mamaya.” Mabilis nitong sambit sa akin. Saglit lang ay kaagad rin kaming huminto. Unang bumungad sa aking paningin ang matayog na pader. Ilang segundo lamang kaming nakahinto at kasabay ng pagbukas ng malaking gate ay ang pagpapartuloy sa pagtakbo ng kotse. Unang bumungad sa akin ang isang imaheng nakakakuha sa aking atensyon. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang imahe ni kupido at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito at kung bakit iyon ang unang bubungad sa mga taong papasok sa mansion na ito. Marami pa ang umagaw sa aking atensyon habang tumatkabo ang kotse; ang fountain, mga statuwa at marami pang iba. Ilang saglit pa at tuluyan na ring huminto itong sasakyan. Hindi na ako nagpaligoy—ligoy pa at kaagad na rin akong lumabas. Nang mapansin ang pag-alis ng sasakyanng naghatid sa akin dito ay nagsimula na rin akong humakbang sa nag-iisang daan na nasa aking harapan na alam kong patungo ito sa loob nitong mansion. Unang bumungad sa akin ay ang dalawang lalaking nakaabang sa isang malaking pinto. “Nasaan ang imbitasyon mo?” tanong nito sa akin at wala na akong ibang maisip na bagay na tanging tunutukoy nila kung hindi ang tanging card na hawak—hawak ko ngayon. Pinakita ko iyon sa kanila at nang tuluyan nila iyong natingnan ay saka ako sinuyo—mula ulo hanggang paa ay wala silang pinalampas na animo’y sinisiguro nilang wala akong dalang bagay na makakasama sa loob nitong mansion. Tuluyan na rin akong nakapasok sa loob. Ang malawak na tanggapan ang unang bumungad sa akin. Sa dulo ay makikita ko ang reception at doon na lamang ako dumiretso. Ang isang babae ng siyang bumungad sa aking paningin. “Where’s your invitation card sir?” ang kaparehong tanong ng dalawang lalaking nakabantay sa pintuan kanina. Tulad ng ginawa ko ay pinakita ko ang tanging card na hawak ko ngayon. Tiningnan nila iyon saka bumaling sa monitor at may kung anong detalyeng tiningnan doon. “Access granted. Just wait for a while sir. A room boy will come and will lead you to room number 10.” Sambit nito. Sinunod ko na lamang ang kanilang sinabi. Ilang minuto lamang ang lumipas at kaagad ring dumating ang isang lalaking nakasuot pa ng pormal na uniporme. Sumunod ako sa lalaking ito. Sa elevator ang tungo namin. Sa napansin ko ay ang third floor button ang pinindot nito. Kaagad na ring gumalaw ang elevator at ilang saglit pa ay kaagad na rin itong nagbukas. Ang matatahimik na palapag ang unang bumungad sa akin. Wala akong ibang marinig kung hindi ang yapak lang ng aking paa sa matinding katahimikan nitong palapag. Huminto kami. Napatingin ako sa mataas na parte ng pinto ng room na kinakaharap ko ngayon. “PRIVATE ROOM NO. 10” ang katatagang nakasulat doon. “Enjoy your stay, sir,” wika nito sa akin at kaagad na rin itong humakbang pabalik. Naiwan akong mag-isang nakatayo doon. Walang pagdadalawang-isip kong buksan ang door knob nitong room. Hindi iyon nakalock kaya mabilis ko lang iyong nabuksan. Unang bumungad sa akin ang madilim na imahe ng silid. Tanging ang lampshade lamang ang nagsisilbing ilaw nitong silid. Napatingin ako sa malaking kama na nasa aking harapan at unang bumungad sa akin ay ang babaeng nakahiga doon. Hindi ko man malinaw na matingnan ang buong imahe nito ngunit alam na alam kong ako ang hinihintay nito. “Halika,” a sexy and intimidating voice surprised me. Kaagad kong sinunod ng sinabi niya. Humakbang ako papalapit sa kama na iyon at kasunod kong namalayan ang kamay niyang kaagad na dumapo sa aking katawan at marahan iyong dumulas patungo sa aking kalagitnaan. Wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit at dinamdam ang kakaibang haplos niya. “I am waiting for almost an hour, boy. Ngayong nandito ka na, uubusin natin ang iyong katas,” sambit nito kasabay ang dahan-dahang pagtanggal niya ng butones ng suot kong jeans saka iyon hinila pababa kasabay ng aking underwear. Kasabay ng mga haplos niyang iyon ay ang panginginig ng aking katawan...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook