AZAZEL ERIS ROSS __ Sandali akong napatigil nang mapansin ko ang ilang familiar na sasakyang nakahinto sa harapan ng apartment. I wasn't so surprised. Naisip kong tinawagan na sila ni Lace para sunduin si Lolo. Umakyat din ako at dumiretso sa apartment. Papasok pa lang ako pero naririnig ko na ang tinig ng mga ito sa loob ng bahay. "Sweetheart!" Sinaulubng ako ni Ms. Sandra. Hinayaan ko na lang na yakapin niya ako habang tinitingnan ko si Mr. Lorence, si Lorenzo, Lolo, Keensly, at ang mga kasama nilang kasambahay. "How are you? Masakit pa ba 'yung mga sugat mo?" "I'm fine..." I lied. "Kararating lang namin because I waited for Honey pa. Ikaw na ang kumausap kay Dad. Ayaw niyang sumama pauwi." Muli ko itong tiningnan at marahan akong nagpatuloy palapit sa kanila. Binaba ko na lang an