SAMEL LEANDRO MONTEALTO __ I woke up early to cook breakfast for her. Naunang gumising si Lorenzo kaya hinayaan ko siyang tumulong. I intentionally used their stocked food para hindi niya tanggihang kainin. Alam kong manghihinayang siya. Tila inaantok pa ito nang pumasok ng kusina. Tiningnan ko lang siya habang sinasalin ang pagkain sa bowl. Sandali lang itong tumingin sa akin at humila rin ng silya sa harap ng mesa. Hindi na siya nagsusuka sa umaga pero maselan na ang pang-amoy niya kaya kahit kauupo lang ay tumayo na siya para lumabas ng kusina. Dinala ko na lang ang pagkain niya sa rooftop at sumunod na rin ang mga ito roon. Lumalakas na siyang kumain at halos siya ang nakaubos ng kalahati sa kanin. "Zo, marami pa tayong pagkain?" "Oo, Ate. Gusto mo pang kumain?" "No, I'm alre