AZAZEL ERIS ROSS __ "They don't like me?" tanong ko nang makabalik kami sa bahay niya. Dumekwatro siya sa couch at kinuha ang papel sa ibabaw ng mesa. "It doesn't matter. Read this." TIningnan ko ang mga papel na inabot niya sa akin bago ko kuhanin mula sa kaniya. Unang page pa lang nakita ko na ang malaking salitang "RULES". Ilang piraso din ang papel at kinakailangan kong maupo sa single couch para basahin ang mga iyon. Unang-una sa rule na huwag pakikialaman ang buhay niya. As if namang may pakialam ako. Makatarungan pa ang nasa unang page pero sumakit na ang ulo ko pagdating sa house rules. Bawal magpasok ng sapatos na galing sa labas. Bawal ang makalat. Bawal ang maingay. Bawal humiga sa ibabaw ng kama na hindi bagong palit ang damit. Bawal ilipat ang mga gamit at bawal lahat. P