AZAZEL ERIS ROSS __ "Uy, nagsisimula na 'yung presscon." Marahan ko pa ring ginalaw ang mga kubyertos sa pinggan ko habang nakatingin sa malaking TV sa cafeteria. May tila malaking bagay pa rin ang nakadagan sa dibdib ko simula kagabi. It was never gone. Marahang hinaplos ni Lace ang balikat ko. "We all learn from our mistakes." "Oo nga, Kla. Huwag kang mag-alala. First time sumagot sa issues and controversies directly ni Mr. President. For sure tutuldukan niya na agad para hindi na mahila 'yung pangalan mo publicly." "And we're proud of you because you had good intentions. That was brave, although... wrong on so many levels." "Guys, ayan na..." I gulped as I continued to look at the television. It started with a greeting from his spokesperson. He softly addressed some issues befo