AZAZEL ERIS ROSS __ Mabuti na lang ay wala sa opisina ang lalaking iyon sa buong araw. Kahit papaano ay nagawa kong kumilos nang maayos without being pressured. Gabi pa rin nang matapos ako. Hindi ko nakita si Lorenzo sa silid at si Lacen lang ang mahimbing na natutulog doon. Marahan kong binaba ang bag ko sa ibabaw ng bed. I was a little bit nervous na baka naglayas ito pero nawala rin ang kaba ko nang makita ko siya sa rooftop. Nakaupo siya sa gilid ng papag. I gently sat beside him and caressed his back. "Hindi ka makatulog? Matigas ba 'yung comforter?" "Ayos lang. Sabi ko kay Ate Laise ako naman dito." "What's that?" Tukoy ko sa envelope na hawak niya. "Kinuha ko sa secretary ko kanina. Report card ko." "Oh, let me see..." Tila nag-isip pa siya bago marahang ibigay sa akin. Ti