AZAZEL ERIS ROSS __ "Mom, I already told you not to come here without telling me first." "Gusto ko lang namang makita ang buhay n'yo rito." Lumapit ito sa kaniya nang nakabusangot at hinaplos ang dibdib niya. "Huwag ka nang magalit kay Mommy. My first son just got married. Syempre gusto kong makita kung kumusta ka kasama ang asawa mo." "We're fine here." Bumaling ito sa akin. "Hija, aalis ka?" "May pupuntahan lang po ako..." "Oh, cancel it. Tamang-tama, lalabas din ako. Sumama ka sa aking mag-shopping, hmm?" "Hindi na po. I've already made–" "Sumama ka na..." Marahan niyang hinila ang braso ko nang may pilit na ngiti sa mga labi. "Hmm?" Tumingin ako sa anak niya, baka sakaling suwayin niya and Mommy niya pero wala pa rin siyang pakialam. "Anak, gusto mong sumama sa amin?" "Mara