SAMEL LEANDRO MONTEALTO __ Kanina pa ako humugot ng malalim na hininga habang hinihintay itong matapos sa pagbibihis. After more minutes, lumabas din ito ng silid nang naka-floral dress at flats. Mukhang bago iyon kaya hindi ko na sinita. Tila may hinahanap pa siya sa bag na nakasukbit sa balikat niya. "What took you so long?" malamig na tanong ko. "May hinahanap pa ako... sandali lang." Muling nagtangis ang bagang ko nang umikot siya at bumalik sa silid. Binagsak ko ang hawak kong dyaryo sa ibabaw ng mesa at lumabas na ako. Naghihintay na ang van sa labas. Pinagbuksan ako ng driver sa backseat at doon ko na lang siya hinintay. Pumwesto ito sa katapat na seat sa kabilang side. Humalimuyak agad sa loob ang pamilyar niyang amoy. "You're not a VIP," muling malamig na sambit ko habang