AZAZEL ERIS ROSS __ "Sis," pabulong na tawag sa akin ni Lace paglabas ko ng bathroom. "May bisita ka." Kumunot ang noo ko pero sa mukha nito, unti-unti ko ring naisip kung sino ang tinutukoy niya. "Tell him to leave." "It's not just him..." Nilagpasan ko siya. "Tell them to leave." "I've already told them. Ang sabi nila gusto ka lang makita." Humugot ako ng malalim na hininga at nagpatuloy tuyuin ang basang buhok ko. I looked at myself in the mirror. Magulo na naman ang isip ko. Pinalayas ko si Samel kagabi after composing myself. I just made sure na buo ang loob ko at composed ako nang lumabas ako ng silid para harapin sila. "Wifey!" agad sigaw ni Silian. Papalapit pa lang ako pero tumatakbo na ito palapit sa direksyon ko at yumakap sa baywang ko. "I missed you so so so much,