AZAZEL ERIS ROSS __ Inaantok akong nagmulat ng mga mata. Hindi agad ako gumalaw dahil malabo pa ang isip ko at hindi pa gaanong nagsi-sink in sa akin ang mga nangyari kagabi. Nawala lang ang antok ko nang mapatingin ako sa orasan. Napabalikwas agad ako nang bangon hawak ang kumot sa gawing dibdib ko. Hinila ko pa iyon patakip sa katawan at nagmamadali akong nagtungo sa bathroom. Unti-unti ko lang na-absorb ang lahat ng nangyari nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa ulunan ko mula sa shower. I pursed my lips before biting it. Did I just... kind of... beg him to do it? Gosh... what did I do? Can I still take that back? Pumikit ako nang mariin. I was waiting for myself to feel even a little bit of guilt, but I couldn't feel any. Inangat ko pa ang ulo ko sa shower at hinayaang pumat