"Salamat," pasalamat niya nang maihatid siya ni Arkin sa bahay nila. "Wala, iyon, see you again," tugon nito. Tumango siya at mabilis na siyang pumasok sa loob ng gate nila para hindi na makita pa ang pag alis ni Arkin. Mariin niyang pinikit ang mga mata at napahawak sa kanyang dibdib nang maisara niya ang gate. Kinagat rin niya ang ibabang labi para pigilan ang pag iyak. Kanina pa siya naiiyak dahil nasaktan siya sa mga sinabi ni Arkin sa kanya. Hindi niya inaasahan na masasaktan na siya agad sa unang date palang nila ni Arkin, baka nga hindi man iyon date eh. Naninikip ang dibdib niya sa sakit na naramdaman. Wala silang relasyon ni Arkin pero sobra siyang nasaktan nang aminin nito na may girlfriend na ito at isang taon na ang relasyon ng mga ito. Alam naman niyang hindi impossible