"Vince anak, huwag mo na lang pansinin pa ang Mama mo, hayaan mo siya sa kadramahan niya, silang dalawa ni Mica. Ang mahalaga naman eh alam natin ang totoo at higit sa lahat silang dalawa lang naman ang pilit na humahadlang sa inyo ni Anisha," maghabang litanya ng kanyang Papa nang sadyahin siya ng ama sa kanyang opisina kinabukasan matapos ang pag take ng DNA test sa kanya at kay Arkin sa mismong bahay nila. Wala pa daw ang result, natural wala pa dahil ma-magikin muna iyon ng kanyang Mama, kahit pa panigurado na alam na nito na anak niya si Arkin. "Iyan na nga lang po ang aking gagawin Papa, ayoko na po kasing makipag bangayan pa kay Mama, ipipilit at ipipilit naman po niya na siya ang tama. Siguro po hihintayin ko na lang na ma realize po niya ang mga mali niya kay Anisha," tugon niya