Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Vince sa loob ng bathroom. Mukhang mangyayari na nga ang pinaka hinihintay niya. Ilang araw na ba niyang hinihintay na mangyari na ito para maipamukha na niya kay Vince kung sino siya. Naririndi na siya at sawang-sawa na siya sa mga masasakit na salita nito, sa mga paratang nito sa kanya na wala namah basehan. Ilang araw na siyang nakahanda sa kanyang plano. Mawawala na siya after this. Papatunayan lang niya kay Vince na siya ang nagsasabi ng totoo at hindi ang matapobre nitong ina. Aalis siya ng San Nicolas pagkatapos nito. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataon si Vince para magtanong pa at magpaliwanag ito sa kanya. Nakahanda na ang lahat ng kailangan niya sa kanyang pag alis. Nakapag paalam na rin siya sa kanyang mga magulang. Kay Thomas at mga