"Anything money can buy. Bahay, kotse, alahas, luxury bags, shoes lahat, lahat, Anisha ibibigay ko sa iyo at tanging kapalit lang ay s*x," tugon sa kanya ni Vince. "S*x, iyan na lang ba ang tanging laman ng isip mo ah Vince!' Mataray na sabi niya rito. "Pag ikaw ang kaharap ko, yes, Anisha," tugon nito sa kanya at tinignan siya ng malalim nito. Umismid naman siya at nagtaas ng kilay. "Once na maging mistress na kita, magagawa mo ng ibigay sa pamilya mo ang buhay na pilit mong hinahangad para sa kanila. At least hindi mo na kailangan pang magpalit-palit pa ng mga lalake para pagkaperahan, dahil sa akin palang maibibigay ko na sa iyo ang lahat," litanya pa nito sa kanya. Ano man yata ang sabihin niya sa lalaking ito, iisa pa rin ang nasa isip nito, iyon ay ang isa siyang masamang babae.