"Pansin ko kanina kapa hindi mapakali diyan sa mukha mo, kung anu-ano na nilalagay mo diyan, panay pa tingin mo sa salamin,' sita sa kanya ng kaibigang si Lexie nang matapos ang isang subject nila. Sa tuwing lalabas kasi ang professor nila eh tinitignan niya ang kanyang mukha. Sinisigurado na maganda pa rin siya, baka kasi bigla na lang sumulpot si Arkin at makita siyang hindi nakaayos at hindi maganda. "May lakad ka ba mamaya?' Bulong pa sa kanya ni Lexie. Kaibigan niya si Lexie since elementary days, pero kahit matalik niya itong kaibigan hindi niya sinasabi rito na may crush siya kay Arkin. Wala ni isang may alam na may lihim siyang pagtingin kay Arkin, sinasarili lang niya, dahil ayaw din naman niyang malaman ni Arkin iyon, baka kasi mapahiya lang siya at masira pa ang pagkakaibiga