Makalipas ang ilang linggo naganap na ang pinaka malaking kasalan sa bayan ng San Nicolas na dinaluhan ng maraming bisita na halos kilalang negosyante at may mga taga pulitika pa. Nariyan si Gov. Kian at asawa nitong si Amanda na napakaganda. At syempre nariyan ang kanyang mga magulang at kapatid, dumating din ang kanyang kaibigan na si Lucy para saksihan ang pag-iisang dibdib nilang muli ni Vince. Masaya siya dahil bago naganap ang kasal nila ni Vince eh nagkaayos na sila ng biyenan, nagkapatawaran na sila at tanggap na siya ng biyenan. Marami mang nagawang hindi maganda sa kanya ang biyenan noon pinili pa rin niyang magpatawad para sa kanyang asawa at mga anak. Ang kanyang pamilya ang mahalaga at wala ng iba pa. Sa simbahan ng San Nicolas ginanap ang pag iisang dibdib nila ni Vince at