"Vince ano ba! Itigil mo nga ang kabaliwan mong ito!" Sigaw ni Anisha sa kanya habang nakatunghay siya sa napakagandang dalaga. Pinlano niyang papuntahin si Anisha mag isa sa golf club na pagmamay-ari ng kanyang pamilya na siya na rin ang nag ma-manage. Sinadya niyang mag set ng meeting na wala ang mga katrabaho ni Anisha, lalo na si Thomas, dahil nais niyang masolo si Anisha. Marami pa kasi silang dapat pag-usapan ni Anisha tungkol sa mga nangyari sa kanila noon. Ilang beses siyang tinawagan ng kanyang Mama para lang itanong kung ano ba talaga ang ginagawa ni Anisha sa hotel niya. Ganoon pa rin ang naging tugon niya na wala siyang alam at hindi niya nakita si Anisha. Nais niyang protektahan si Anisha sa kanyang Mama, hanggat hindi pa siya nakakaganti kay Anisha. Kung anu-ano pa nga ang