"Penny! Nakikinig ka ba? Kanina ka pa nakatulala diyan eh!" Sita sa kanya ni Lexie habang nasa cafeteria sila at nagme-merienda. "Ah.. Ano ba iyon?' Lutang na tanong niya sa kaibigan. "Ang sabi ko kung a-attend ka sa birthday party ni Razel bukas ng gabi?" Inis na tanong sa kanya ng kaibigan. "Ah.. Iyon ba, magpapaalam muna ako kina Mommy," tugon niya at dinampot ang juice na nasa harapan niya. "Panigurado naman na papayagan ka nila no," Lexie said. "I am not sure, Lexie, iba na kasi ngayon," she said. Iba na ngayon dahil next month ikakasal na siya kay Arkin. Planado na ang lahat, isang engrandeng kasal daw ang gaganapin sa bayan ng San Nicolas, narinig pa nga niya na kasing engrande daw ng kasal ng parents ni Arkin ang magiging kasal nila ni Arkin. Sino ba namang babaing hindi matu